Sunday, September 30, 2007

Plan B

I was on leave for a week coz Shannen was sick. May lagnat sya from Sunday to Wednesday. Monday nagsimulang magkasipon. Sabi ni Dok, viral daw. Di ako nagulat kasi sabi sa daycare i-expect ko daw na maraming virus na makukuha si Shannen sa first year nya doon.

I'm sure nagsusungit na yung kasama ko sa trabaho dahil kailangan nyang akong i-cover. Ang tagal nga naman ng 1 week. At di yon ang first time. Nag-absent na din ako ng 1 linggo nung July dahil na-virus si kulasa.

Maswerte yung iba na hiyang sa daycare. Yes, nagkakasakit nga yung mga bata pero kaya nilang i-handle. Ito kasing si Shannen ang hirap na nang pakainin (kahit walang sakit) tapos mahirap pang painumin ng gamot (esp. antibiotic). Sobra akong na-i-stress. So nag-isip kami ng ibang option. May kapitbahay kaming pinoy na stayhome mom dahil may inaalagaang 1.5y/o na anak. Kinausap ko nung isang araw kung ok lang na paalagaan ko si Shannen. Wala daw problema. Magsisimula kami doon sa Wednesday (baka kasi may natira pang virus si Shannen, ayoko namang mahawa yung mga anak nya).

Maganda sana sa daycare dahil marami silang activities doon pero di kaya ng powers ko pag may sakit ang mga bata. I am really praying that this Plan B will work.

Monday, September 24, 2007

Saturday at the city



Sabado. May overtime si Henry at BIL (mga 3hrs lang naman). Naiwan ako sa bahay kasama yung dalawang bata. Ano ba ang pwede naming gawin? Isip-isip....hmmmmm...... tiiing!!!! Ipapasyal ko sila sa city (downtown). They've never been there so that would be quite an experience. Para mas masaya, nag-bus lang kami. Nakasakay na sila ng bus dito dati pero nung first month pa namin yon. Di na nga nila matandaan sa tagal.

First stop namin ang Civic Theatre. May nabasa kasi ako sa Aklnzpinoys na open home sila kaya may guided tour at kiddie arts. Nakakamangha yung building. It's Arabian Nights inspired kaya sobrang intricate ang design. Dito daw kinunan yung eksena sa King Kong kung saan tinali sya.

Second stop ang Sky City. We had a look of the Sky Tower from a close distance. Nangawit ang leeg nila sa kakatingala. May 2 tumalon mula sa itaas ng tower kaya nakaka-excite. Gusto sana nilang umakyat kaso wala yon sa budget namin. May bonus attraction kami, may grupo ng kabataan na nag-perform as part of the High School Musical promo. Napaindak kami habang nanonood. he he he

Lat stop, Westfield Downtown. Doon kami nag-lunch. Then sumakay kami ng bus pauwi. That was a good experience for the 3 of us. Nag-enjoy talaga kami. At first akala ko mahihirapan akong dalhin yung 2 bata. Buti naman at behaved sila. May pasok daw ulit sila Henry sa Saturday. Mukhang magandang pasyalan yung Luge sa Silverdale. hmmmm... pwede

Thursday, September 20, 2007

Mga balitang nakakaaliw

Hiwalay na si Martin Jickain at Aiko,
Closer ngayon si Gabby at KC,
Sumakabilang-buhay na si Ramon Zamora
Umamin na si Regine at Ogie na sila nga,
Nasa Dos na si Angel, etc.

O di ba, updated ako sa showbiz chika kahit walang TFC dito. One of the things that entertain me here is to read the happenings in the Pinoy showbiz arena. Talaga namang entertaining at nakakaloka ang mga balitang artista. Ang source ko ay ang Phil. Entertainment Portal (http://www.pep.ph/). Ang galing ng mga tsismis don, madalas nauunahan ko pa sa balita ang mga kamag-anak ko sa pinas. Buti na lang nai-share ni Bim (ni Jim) at Sharon B yung site na yon.

May mga istorya din akong pinapalagpas. Una yung tungkol sa mga bagong artista dahil wala akong time kilalanin pa sila. Pangalawa, mga awayan gaya ng kay Joey-Willy. Hindi na yon nakakatuwa, nakakainis na. Parang political news yon, eh yung nga ang iniiwasan ko. Duon na lang ako sa mga nakakaaliw. Ito ang bago kong nabasa, umamin si fafa Piolo na naging sila ni Pops. Naku, ang haba ng buhok ng lola. Si fafa Sam kaya, sinagot na kaya ni Anne Curtis?

Sunday, September 16, 2007

Maori language

Isa na natutunan ko sa trip namin sa museum ay ang origin ng Maori language. Ang nakalagay doon, ang salita nila ay based sa Austronesian which is the base of southeast asian and pacific languages.

May pagkakahawig nga ang salita nila sa tagalog. Sa numbers na lang, tignan nyo pano sila magbilang.

1 - Tahi
2 - Rua (sa ilokano dua)
3 - Toru
4 - Wha (pronounced as 'fa')
5 - Rima
6 - Ono
7 - Whitu (pronounced as 'fitu')
8 - Waru
9 - Iwa
10 - Tekau

Madali lang ang pag-pronounce ng mga words nila. Kung pano mo basahin yon sa tagalog, ganun din sa maori. Ang a, e, i, o, u kasi nila ay ganon din kung pano natin yon sabihin.

Thursday, September 13, 2007

Trip to Auckland Museum



Isa ang Auckland Museum sa mga unang pinapasyalan ng mga bago sa Auckland. Kami, after 16 months, saka pa lang nakarating doon. Akala ko kasi dati eh boring doon at baka di mag-enjoy ang mga bata.

But contrary to my initial impression, Auckland Museum is a cool place. We enjoyed every bit of it. Ang mga paborito namin ay yung stuffed elephant, tree house with oranggutan, insect area, lolli wall at dinosaur fossils. Maganda din yung volcano area kung saan may simulation ng pagputok ng bulkan. Bale papasok kayo sa isang bahay then you’ll see in the window that an underwater volcano (near Rangitoto) is erupting. Magkakaron ng earthquake tapos magwawalan ng kuryente. Cool di ba, pero itong si Shannen natakot. As in nanginig sa takot. Nag-aya tuloy umuwi ng di oras.

We stayed there for 2.5hours. Sobrang bitin yon. We could have stayed there the whole day dahil talaga naman interesting yung exhibit doon. Pero ok lang yon para maulit ulit ang punta naming sometime in the near future.

Thursday, September 06, 2007

Cooking made easy (and yummy)

Pag weekdays, simple lang ang menu namin for dinner. Kailangan, kasi si Henry ang toka sa luto so dapat hindi ito maging stressful sa kanya (otherwise baka mag-strike). Pero pag weekends, ako ang reyna ng kusina and I try to deviate from the norm. Hindi naman kailangang complicated ang pagkain, basta lang bago sa panlasa ng mga parokyano ko.

Marunong akong magluto pero hindi magaling. Limitado din lang ang luto na kabisado ko. Dati tinatawagan ko ang Ate Chris ko kung kailangan ko ng saklolo, di na yon pwede ngayon pero mabuti na lang at natisod ko ang blog ni Connie Veneracion, ang http://www.pinoycook.net/. Madaling sundan at yummy ang recipe ni Tita Connie. May kasamang delectable pictures, interesting dining experiences at practical cooking tips ang blog nya kaya I always visit her site.

Kaya sa mga prends ko dyan na nagpa-planong magluto ng something special sa weekend, check out Connie’s blog. You'll definitely find something you'll enjoy doing and eating there.

Monday, September 03, 2007

Of chores

Nang mai-kwento ko sa opisina ang setup namin sa bahay, sabi nila swerte daw ako. Aba sabi ko talaga, very helpful yata yung 2 kasama kong lalaki sa bahay. Maasahan si Henry at Janjing sa mga household chores. Kaya kahit wala na ang mommy ko, hindi ako masyadong hirap sa trabaho sa bahay.

Ganito ang arrangement namin. Sa umaga, ako ang toka sa paghahanda at paghahatid sa mga bata sa eskwelahan. At 3:00pm, susunduin na ni Henry at Janjing yung mga bata. Pag dating ko nang 5:30pm, nakaluto na si Henry at natapos na ni Janjing ang mga labada. Pagkatapos ng dinner, pag-uusapan na namin ni Henry ang menu for the next day. Ihahanda na din ni Henry ang baon nila for the next day.

Maswerte ako dahil may division of labour kami sa bahay (ewan ko kung nagrereklamo sila pag wala ako). Ganun naman talaga dapat sa bahay lalo na kung walang inday na pwedeng utusan. Very stressful yon sa nanay kung lahat na lang ng trabaho ay sa kanya. Mabuti na lang at magaling ang training ng byenan ko sa mga boys nya. At hindi lang sila willing tumulong sa chores, pulido pa gumawa. O, meron kayo non?