Monday, September 24, 2007

Saturday at the city



Sabado. May overtime si Henry at BIL (mga 3hrs lang naman). Naiwan ako sa bahay kasama yung dalawang bata. Ano ba ang pwede naming gawin? Isip-isip....hmmmmm...... tiiing!!!! Ipapasyal ko sila sa city (downtown). They've never been there so that would be quite an experience. Para mas masaya, nag-bus lang kami. Nakasakay na sila ng bus dito dati pero nung first month pa namin yon. Di na nga nila matandaan sa tagal.

First stop namin ang Civic Theatre. May nabasa kasi ako sa Aklnzpinoys na open home sila kaya may guided tour at kiddie arts. Nakakamangha yung building. It's Arabian Nights inspired kaya sobrang intricate ang design. Dito daw kinunan yung eksena sa King Kong kung saan tinali sya.

Second stop ang Sky City. We had a look of the Sky Tower from a close distance. Nangawit ang leeg nila sa kakatingala. May 2 tumalon mula sa itaas ng tower kaya nakaka-excite. Gusto sana nilang umakyat kaso wala yon sa budget namin. May bonus attraction kami, may grupo ng kabataan na nag-perform as part of the High School Musical promo. Napaindak kami habang nanonood. he he he

Lat stop, Westfield Downtown. Doon kami nag-lunch. Then sumakay kami ng bus pauwi. That was a good experience for the 3 of us. Nag-enjoy talaga kami. At first akala ko mahihirapan akong dalhin yung 2 bata. Buti naman at behaved sila. May pasok daw ulit sila Henry sa Saturday. Mukhang magandang pasyalan yung Luge sa Silverdale. hmmmm... pwede

2 comments:

Anonymous said...

wow rumampa ang mag iina.Sige next time ulit mamasyal kayo para more pictures pa ang makita namin.Maganda nga ang NZ sa mga sinusulat mo.Plan din namin magpunta sa chinese garden sa sabado.Lantern parade.Ingats sa susunod na pamamasyal.

jinkee said...

@ g,

May lantern parade din dito sa city. Meron ding pa-moon cake. Ang dami din kasing chinese dito. Minsan pati ako magpagkakamalan. O sya, have fun sa gala nyo.