Nang mai-kwento ko sa opisina ang setup namin sa bahay, sabi nila swerte daw ako. Aba sabi ko talaga, very helpful yata yung 2 kasama kong lalaki sa bahay. Maasahan si Henry at Janjing sa mga household chores. Kaya kahit wala na ang mommy ko, hindi ako masyadong hirap sa trabaho sa bahay.
Ganito ang arrangement namin. Sa umaga, ako ang toka sa paghahanda at paghahatid sa mga bata sa eskwelahan. At 3:00pm, susunduin na ni Henry at Janjing yung mga bata. Pag dating ko nang 5:30pm, nakaluto na si Henry at natapos na ni Janjing ang mga labada. Pagkatapos ng dinner, pag-uusapan na namin ni Henry ang menu for the next day. Ihahanda na din ni Henry ang baon nila for the next day.
Maswerte ako dahil may division of labour kami sa bahay (ewan ko kung nagrereklamo sila pag wala ako). Ganun naman talaga dapat sa bahay lalo na kung walang inday na pwedeng utusan. Very stressful yon sa nanay kung lahat na lang ng trabaho ay sa kanya. Mabuti na lang at magaling ang training ng byenan ko sa mga boys nya. At hindi lang sila willing tumulong sa chores, pulido pa gumawa. O, meron kayo non?
4 comments:
ka tribo ko pala ang mister mo...(joke lang po), sa akin hindi division of labor yan kundi sharing of household chores & responsibilities, kung working housewife dapat lang kasi nagse share ka in bringing home the bacon di ba? pero sa akin kahit na hindi working housewife dapat share pa rin sa trabahong bahay para parating smeeling fresh si misis....
tumpak ka dyan, dapat talaga pinagtutulungan ang trabahong bahay. Yung mag-isip nga lang ng menu torture na sa isip naming mga mommy, katulad ngayon hindi ko pa alam iluluto ko para bukas hayyy...
ma swerte ka nga sa mga kasama mo...ako may mga kasama din ako sa bahay na parehas na lalaki at mga binata.Di sila tumutulong sa gawaing bahay kanya kanya kami.Ako ang tagapag linis ng bahay.Di ko naman sila pwedeng asahan dahil papasok sila ng 6 am at dadating ng 8pm.At kumakain sila sa labas din sila sa labas.
@ anonymous,
good husband ka din pala. keep it up! mahirap na kung maagang malosyang ang mga misis di ba :)
@ malou,
mabuti ka nga may macky na pwede nang iwanan sa kusina. Pwede ba ba syang hiramin minsan. he he he
@ g,
Pag weekends, obligahin mo silang gumawa sa bahay. Ipost mo sa fridge yung list ng gagawin nila. hope that works ;)
Post a Comment