Thursday, September 06, 2007

Cooking made easy (and yummy)

Pag weekdays, simple lang ang menu namin for dinner. Kailangan, kasi si Henry ang toka sa luto so dapat hindi ito maging stressful sa kanya (otherwise baka mag-strike). Pero pag weekends, ako ang reyna ng kusina and I try to deviate from the norm. Hindi naman kailangang complicated ang pagkain, basta lang bago sa panlasa ng mga parokyano ko.

Marunong akong magluto pero hindi magaling. Limitado din lang ang luto na kabisado ko. Dati tinatawagan ko ang Ate Chris ko kung kailangan ko ng saklolo, di na yon pwede ngayon pero mabuti na lang at natisod ko ang blog ni Connie Veneracion, ang http://www.pinoycook.net/. Madaling sundan at yummy ang recipe ni Tita Connie. May kasamang delectable pictures, interesting dining experiences at practical cooking tips ang blog nya kaya I always visit her site.

Kaya sa mga prends ko dyan na nagpa-planong magluto ng something special sa weekend, check out Connie’s blog. You'll definitely find something you'll enjoy doing and eating there.

3 comments:

Bluegreen said...

Ate Jinkee remember me? hehehehe...good to know you are all settled there already sa NZ...been a long time! How's life? Plano ko na rin mag-aral magluto hehehhe...pero kailangan ko bumili muna ng stove at ref. :->

Anonymous said...

hi,mahirap ngang mag isip ng lulutuin minsan nga paulit ulit nalang lalo na ang agahan.Kailangan kasi magugustuhan ng anak ko ang iluluto,mapili kasi sya.Bibisitahin ko ang website na binigay mo.Magaling nga pala si chris sa pagluluto.

jinkee said...

@ bg,

musta na? I check your blow every now and then. mukhang very busy ka. Ok naman kami dito sa Auckland. Nasasanay na sa lamig at sa lifestyle. Regards kay Jun (flexj)

@ gg,
mapili din pala si cioline. klasmeyt pala sila ni Shannen. Kaya lagi kaming may separate menu para sa kanya. yup, bisitahin mo yung blog na yon, gagaling ka lalong magluto.