Isang mahabang beep tapos nasundan ng malakas na bang. Tunog metal to metal collision. Mukhang may action na nagyayari sa di kalayuan. Pag silip ko sa labas ng opisina, yung bagong company vehicle namin ay nabangga sa likod ng isang black car na mukhang bago din. Umarangkada papunta sa malapit na side street yung black car, nagmamadali namang sumunod yung company vehicle namin. Akala ko maghahabulan sila pero pagdating sa may parking lot, pareho silang pumarada.
Halos sabay bumaba ng kotse yung mga involved na drivers. Nagmamadaling pinuntahan ng ka-opisina ko yung driver ng kabila. Eto na yung hinihintay ko. Nang magkalapit na sila, bigla ba namang nag-shake hands. Usap-usap ng konti tapos nagpalitan ng cards. Di ko na hinintay ang mga mga susunod na eksena, mukhang di naman mangyayari yung aksyon na hinihintay ko. So balik na lang ako sa desk ko.
Nakakatuwang isipin na kung sa Pinas yon nangyari, ibang-iba ang eksena. Una, hindi aalis sa kalsada yung nagkabanggaan. Hanggang di sila nagkakaayos, walang alisan sa pwesto kahit na isang milya na yung naabala nilang sasakyan. At pag nagharap na yung 2 partido, malamang na may sisihan at bangyan. Kung minalas-malas, baka may magbubunot pa ng baril. ngiiii...... nakakatakot.
Sana lahat ng magkakaron ng problema sa kalsada ay kaparis ng nakita ko kanina. Mas may mararating ang usapan kung mahinahon ang mga nag-uusap. Kung mag-aaway pa ay baka lalong lumaki ang problema. At the end of the day, kotse lang lang naman yon, material possession na pwedeng ipagawa o palitan.
Wednesday, January 30, 2008
Tuesday, January 29, 2008
Auckland Day weekend
We had a long weekend kami. Auckland Day kasi nung Lunes. That means pasyal time na naman.
Together with the some friends, Goat Island ang destination namin. Maganda doon kasi isa itong marine reserve. Protected area yon so no fishing allowed. Meron doong glass-bottom boat para makita mo ang marine life underwater. Apat na beses ngayong taong ito kami nag-attempt pumunta doon pero laging unsyame. Kaya nang banggitin ng kaibigan namin na pupunta sila doon, sama agad kami.
The weather was really, sa loob-loob ko perfect for out outing. Pagdating namin doon marami ng pauwi. Kasi naman pala malabo daw ang tubig dahil malakas daw ang alon. Nag-decide kami na lupiat na lang ng ibang lugar, sa Matheson Beach. Maliit lang pero ang ganda din. Vince and Shannen enjoyed playing in the water.
After beach, di pa din kami nagsawa. Humirit pa kami ng pangatlo - Waiwera. Swimming pools yon na warm ang tubig. Mga 4pm na kami nakarating don. Ok lang kasi summer naman, hanggang 9pm may araw pa. Walang kapaguran yung mga kids, sige pa din sila sa paglalaro. Kaming mga adults, di naman naligo pero kami ang napagod.

Monday, January 21, 2008
Mission accomplished ....almost
Pangalawang linggo ko na ngayong nagta-trabaho mula ng magsimula ang 2008. Ang bilis ng araw pagbakasyon. Malingat ka lang, tapos na. Pero mas masaya ang holiday ngayon kaysa noong unang Pasko namin ito. Noong kasi halos sa bahay lang kami.
Sampu ang nasa things to do list ko for that 2 weeks holiday. The weather was perfect pero nakakapagod din kaya di namin nagawa lahat. May mga long weekends pa naman na dadating so pwedeng ma-accomplish naming lahat yon. Anyway, ito yung aking listahan.
- picnic in Wenderholm - nakapa-picnic din kami sa beach pero hanggang Long Bay lang
- go to Auckland Zoo - sa Saturday pa lang kami pupunta
- fruitpicking - nakapamitas kami ng strawberry, super nakakaaliw
- go to Auckland Museum - done!
- play frisbee - we got to play pero sa kapitbahay naming park lang
- cook paella for Christmas - sabi ni Henry fried rice daw yung niluto ko, hu hu hu
- bake carrot cake with Shannen - di kinaya ng powers namin ito; we need more practice
- shopping on Boxing Day - ito ang hindi pwedeng kalimutan :)
- play badminton - we did it twice; i hope to do it more often para mabawasan ang mantika ko sa katawan
- update Henry's CV - done; next step is distributing it to employers
Saturday, January 12, 2008
Weta what?
Nagdala ako ng payong noong isang araw dahil umaambon. Pagdating ko sa opis, inayos ko yung pagkakatiklop. Aray, may tumusok sa akin na parang karayom. Pagtingin ko, may isang malaking insektong nakaipit sa payong (sa labas ng bahay kasi iniiwan yung payong). Tatapakan ko na sana dahil akala ko ipis kaso pinigilan ako ng ka-opisina ko, bagets na weta daw yon. Yung diri ko napalitan ng excitement. Yun kasi ang largest and heaviest insect in the face of the earth.
Pagkatapos na ilagay sa purple box (cute di ba), inilipat nila yung weta sa isang park na malapit sa amin. Marami kasing pohutukawa trees doon, yun daw ang isa sa paborito nitong kainin. Pero bago yon, nag-pictorial muna ang bago kong friend.
Saturday, January 05, 2008
Pinoy lunch and migration to OZ
Bago mag Christmas vacation, nagkaayaan kaming mga pinoy sa trabaho na mag-lunch. 8 kaming pinoy sa bldg. Sa isang Thai resto sa K Road kami kumain. As usual, I ordered Phad Thai. As usual, hindi ko pinalagyan ng chili.
Typical pinoy kwentuhan ang nangyari. Ang topic - Australia. Yan ang lagi kong naririnig na pinag-uusapan. Actually, 2 sa amin ang magmo-move sa Melbourne ngayong first quarter ng 2008. Yung naman tatlo na bagong dating (naka-work visa), interesadong-interesado na alamin ang buhay doon. Feeling nila dapat doon na lang sila nag-trabaho kaysa dito. Ang mahal kasing ng cost of living dito. Galing sila sa middle east kaya di maiwasang maikumpara ang salary at expenses dito at doon. Mas may ipon daw sila dati.
Yung 2 paalis ay mga beterano na dito. They are NZ citizens, got good jobs and their families are here. Hindi nila iniisip ang OZ dati. Pero ngayong masakit na masyado sa bulsa ang bilihin dito esp. ang presyo ng bahay at dahil talagang mas malaki ang Australian market, napagisipan nilang humanap ng trabaho doon. Hindi naman sila nahirapan.
Yung isa namang kasama namin ay tumira na ng Australia. 2 yrs sya sa Brisbane where he took his doctorate studies. Mas gusto sana nya doon pero may limit daw sa age kaya di na sya magku-qualify as resident.
Nasa 100 a day daw ang New Zealanders ang lumilipat sa kapitbahay na Australia. Kaya nga pag may kilala akong nag-iisip na mag-migrate dito sa NZ, pinapayuhan ko munang i-check ang Oz. Baka lilipat din sila eventually. Mabuting sa umpisa pa lang ay malaman na nila ang buhay-buhay doon.
Very attractive talaga ang Australia. Despite the extreme weather (may heat wave nga sa Melbourne noong isang araw), mas marami namang oppurtunities at mas maa-afford ang bahay. Kami, wala sa isip namin yan... ngayon. Pilipinas at NZ lang kasi ang alam kong buhay and we prefer the latter. Kaya malay natin kung saan kami mapapadpad in a few years time.

Subscribe to:
Posts (Atom)