Monday, January 21, 2008

Mission accomplished ....almost

Pangalawang linggo ko na ngayong nagta-trabaho mula ng magsimula ang 2008. Ang bilis ng araw pagbakasyon. Malingat ka lang, tapos na. Pero mas masaya ang holiday ngayon kaysa noong unang Pasko namin ito. Noong kasi halos sa bahay lang kami.

Sampu ang nasa
things to do list ko for that 2 weeks holiday. The weather was perfect pero nakakapagod din kaya di namin nagawa lahat. May mga long weekends pa naman na dadating so pwedeng ma-accomplish naming lahat yon. Anyway, ito yung aking listahan.

  1. picnic in Wenderholm - nakapa-picnic din kami sa beach pero hanggang Long Bay lang
  2. go to Auckland Zoo - sa Saturday pa lang kami pupunta
  3. fruitpicking - nakapamitas kami ng strawberry, super nakakaaliw
  4. go to Auckland Museum - done!
  5. play frisbee - we got to play pero sa kapitbahay naming park lang
  6. cook paella for Christmas - sabi ni Henry fried rice daw yung niluto ko, hu hu hu
  7. bake carrot cake with Shannen - di kinaya ng powers namin ito; we need more practice
  8. shopping on Boxing Day - ito ang hindi pwedeng kalimutan :)
  9. play badminton - we did it twice; i hope to do it more often para mabawasan ang mantika ko sa katawan
  10. update Henry's CV - done; next step is distributing it to employers

2 comments:

Anonymous said...

jinkee... its good masaya Pasko mo ngaun d2 sa Middle Earth. kami naman bz-ng bz... marami akong balita sa'yo. lilipat na kami d2 sa AKL. contact-in mo ako thru Ka Uro para magkausap tau. nakalimutan ko numero mo eh. o kaya email ka sa kiwinoy@yahoo.co.nz - Eric

jinkee said...

@ eric,

musta na? Nabanggit nga ni Ka Uro na lilipat na kayo dito. kelan ba kayo maglilipat. Give me a shout kung kailangan nyo ng magbubuhat. Kayang-kaya namin yan.

regards kay Joy.