Isang mahabang beep tapos nasundan ng malakas na bang. Tunog metal to metal collision. Mukhang may action na nagyayari sa di kalayuan. Pag silip ko sa labas ng opisina, yung bagong company vehicle namin ay nabangga sa likod ng isang black car na mukhang bago din. Umarangkada papunta sa malapit na side street yung black car, nagmamadali namang sumunod yung company vehicle namin. Akala ko maghahabulan sila pero pagdating sa may parking lot, pareho silang pumarada.
Halos sabay bumaba ng kotse yung mga involved na drivers. Nagmamadaling pinuntahan ng ka-opisina ko yung driver ng kabila. Eto na yung hinihintay ko. Nang magkalapit na sila, bigla ba namang nag-shake hands. Usap-usap ng konti tapos nagpalitan ng cards. Di ko na hinintay ang mga mga susunod na eksena, mukhang di naman mangyayari yung aksyon na hinihintay ko. So balik na lang ako sa desk ko.
Nakakatuwang isipin na kung sa Pinas yon nangyari, ibang-iba ang eksena. Una, hindi aalis sa kalsada yung nagkabanggaan. Hanggang di sila nagkakaayos, walang alisan sa pwesto kahit na isang milya na yung naabala nilang sasakyan. At pag nagharap na yung 2 partido, malamang na may sisihan at bangyan. Kung minalas-malas, baka may magbubunot pa ng baril. ngiiii...... nakakatakot.
Sana lahat ng magkakaron ng problema sa kalsada ay kaparis ng nakita ko kanina. Mas may mararating ang usapan kung mahinahon ang mga nag-uusap. Kung mag-aaway pa ay baka lalong lumaki ang problema. At the end of the day, kotse lang lang naman yon, material possession na pwedeng ipagawa o palitan.
9 comments:
akala ko mag kaka suntukan na...oo nga sa pinas ganon, madaling mapikon ang mga drivers,minsan pa nga pati mga kasama sa sasakyan nakikialam din.
gg
hi jinkee. may garage sale nga pala sa amin sa camrose place this saturday morning (see northshore times fri ed. for exact address). pag nagpunta ka bibigyan ko ng barbie ang bunso mo.
@ barbara,
Passionate kasing makipag-away ang mga pinoys. Kahit konting bagay lang pwedeng mauwi sa patayan. Eh di ba nga marami ng napatay dahil sa "My Way".
@ madbong,
Sige, punta kami sa garage sale nyo. wala bang para sa akin dyan. he he he
sayang di tayo nag-meet. na-sold out yung paninda namin mga 10am pa lang. yung iba kasi sobrang aga dumating, 7 pa lang may tumitingin na.
@ madbong,
Oo nga, nakita ko nga yung paskil sa inyo na 'sold out'. That was around 10:15am. Nag-doorbell pa nga ako sa inyo pero mukhang walang tao. Eniwey, batiin mo na lang ako pag nagkasalubong tayo.
hi jinkee, dito sa atin yan tatagal pa ang banggaan na magiging source nang katakot takot na traffic.
sana makapag migrate na rin kami OZ naman us. pag uwi n hubby sa april aayusin na daw us
salamat ate sa link. nag reply ako dun sa una mong comment . thanks
nangayari na rin sa kin yan. may bumangga sa likuran ng kotche ko. pagbaba nung driver nung nakabangga, tinanong kagad, "are you alright?", even bago pa silipin ang damage. nagpalitan lang kami ng details, tas naghiwalay na kami.
@ cielo,
Oo nga, sa pinas walang pakialam yung nagkabanggaan sa ibang tao. as if their issue is the most important thing in the world. naku, walang ganyan sa isteyts :)
Good luck sa OZ plans nyo. Bisitahin mo na lang kami dito sa NZ.
@ nurse2nz,
salamat sa reply mo. kinakarir na ng sister-dear ko yung registration nya.
@ KU,
Sa totoo lang, di ko alam kung ano ang ginagawa pag may mga aksidente. Pwede mo bang i-share how to handle such situation? Kahit i-post mo na lang sa Aklnzpinoys.
Pakisabi kay Tita Jean maraming salamat sa turon. Nagustuhan ni picky-eater Shannen.
Post a Comment