Tuesday, January 29, 2008

Auckland Day weekend

We had a long weekend kami. Auckland Day kasi nung Lunes. That means pasyal time na naman.

Together with the some friends, Goat Island ang destination namin. Maganda doon kasi isa itong marine reserve. Protected area yon so no fishing allowed. Meron doong glass-bottom boat para makita mo ang marine life underwater. Apat na beses ngayong taong ito kami nag-attempt pumunta doon pero laging unsyame. Kaya nang banggitin ng kaibigan namin na pupunta sila doon, sama agad kami.

The weather was really, sa loob-loob ko perfect for out outing. Pagdating namin doon marami ng pauwi. Kasi naman pala malabo daw ang tubig dahil malakas daw ang alon. Nag-decide kami na lupiat na lang ng ibang lugar, sa Matheson Beach. Maliit lang pero ang ganda din. Vince and Shannen enjoyed playing in the water.

After beach, di pa din kami nagsawa. Humirit pa kami ng pangatlo - Waiwera. Swimming pools yon na warm ang tubig. Mga 4pm na kami nakarating don. Ok lang kasi summer naman, hanggang 9pm may araw pa. Walang kapaguran yung mga kids, sige pa din sila sa paglalaro. Kaming mga adults, di naman naligo pero kami ang napagod.






5 comments:

Anonymous said...

mukhang malamig ung tubig!!!

Anonymous said...

wow enjoy na enjoy ang mga kids.Okay lang na mapagod ang mga adults, mas enjoy tayo pag nakikitang masaya ang mga kids natin di ba. Nakakapagod din kumuha ng picture ha.he he he

barbara

jinkee said...

@ Arlan,

Malamig nga ang tubig. Kaya nga di ako lumusong. Nasan ka na ngayon? Balitaan mo naman ako.


@ Barbara,

Hay naku, lugi nga ako dahil ako ang taga-kuha ng pictures, wala tuloy akong kuha.

Anonymous said...

hi jinkee, taga glenfield ako. parang nakita ko na kayo kundi sa lim's vege e sa foodtown sa sunnynook. hayaan mo pagnakita ko kayo ulit ay babatiin ko kayo.

jinkee said...

@ madbong,

Malamang nga nagkikita tayo. Sa may Meadowood lang kami. See you sa Saturday sa garage sale nyo. Magpapakilala ako sa yo.