Bago mag Christmas vacation, nagkaayaan kaming mga pinoy sa trabaho na mag-lunch. 8 kaming pinoy sa bldg. Sa isang Thai resto sa K Road kami kumain. As usual, I ordered Phad Thai. As usual, hindi ko pinalagyan ng chili.
Typical pinoy kwentuhan ang nangyari. Ang topic - Australia. Yan ang lagi kong naririnig na pinag-uusapan. Actually, 2 sa amin ang magmo-move sa Melbourne ngayong first quarter ng 2008. Yung naman tatlo na bagong dating (naka-work visa), interesadong-interesado na alamin ang buhay doon. Feeling nila dapat doon na lang sila nag-trabaho kaysa dito. Ang mahal kasing ng cost of living dito. Galing sila sa middle east kaya di maiwasang maikumpara ang salary at expenses dito at doon. Mas may ipon daw sila dati.
Yung 2 paalis ay mga beterano na dito. They are NZ citizens, got good jobs and their families are here. Hindi nila iniisip ang OZ dati. Pero ngayong masakit na masyado sa bulsa ang bilihin dito esp. ang presyo ng bahay at dahil talagang mas malaki ang Australian market, napagisipan nilang humanap ng trabaho doon. Hindi naman sila nahirapan.
Yung isa namang kasama namin ay tumira na ng Australia. 2 yrs sya sa Brisbane where he took his doctorate studies. Mas gusto sana nya doon pero may limit daw sa age kaya di na sya magku-qualify as resident.
Nasa 100 a day daw ang New Zealanders ang lumilipat sa kapitbahay na Australia. Kaya nga pag may kilala akong nag-iisip na mag-migrate dito sa NZ, pinapayuhan ko munang i-check ang Oz. Baka lilipat din sila eventually. Mabuting sa umpisa pa lang ay malaman na nila ang buhay-buhay doon.
Very attractive talaga ang Australia. Despite the extreme weather (may heat wave nga sa Melbourne noong isang araw), mas marami namang oppurtunities at mas maa-afford ang bahay. Kami, wala sa isip namin yan... ngayon. Pilipinas at NZ lang kasi ang alam kong buhay and we prefer the latter. Kaya malay natin kung saan kami mapapadpad in a few years time.
7 comments:
ganun ba?naku baka inde na pala tau magkita kita jan ah.joke hehehehe!God bless!
Hi Jinkee. I think I have read a news article in the NZ herald na a lot daw of kiwis are migrating to Oz and the numbers are increasing yearly. A friend of mine, a nurse, has spent 5 years in NZ but after awhile has moved to Oz because of the higher paying job. Ako, nasa pinas pa, wait and see muna but the idea does provoke you into thinking!
minsan parang halaman lang yan na nangangailangan ng tamang lugar na pagtatamnan. sa ngayon hindi pa sumagi sa isip naming mag-asawa ang lumipat ng oz kahit nabalitaan na namin na mas ok daw doon.
yung pinoy family na nag-invite sa amin noong x-mas, nagsimula sila sa oz at tumagal ng 3yrs doon ng walang naipundar. lumipat sila dito sa nz at nakapagpundar ng sariling negosyo. 7yrs na sila dito at panatag na daw sila.
ang payo nila sa amin, "kung single ka doon ka sa oz, pero kung kasama mo pamilya mo lalo na't malilit pa mga anak mo dito ka sa nz" kaya siguro balang-araw baka mga anak na namin ang maka-isip na lumipat doon, malay natin.
@ wato,
eh di sSa OZ na lang tayo magkita :)
@ rey,
erase, erase..... Wag mo munang isipin yon at this point. Magiging obstruction lang yon sa plans mo to move here.
@ malou,
ano ba ang business ng friend mo? baka naman pwedeng mag-franchise dito sa Akl. Malay mo, dyan tayo yumaman :)
Hi Jinkee, car grooming ang business nya. Sa ngayon, habang bakasyon pa ang eskwela doon tumutulong si Aldrin.
Ang naisip naman namin, bikini or topless car-wash pero yung mga mister ang naka-bikini o naka topless ha. taga kaway at hawak lang ang mga misis ng karatula sa labas he he he...
tara na!
hi jinkee, bago akong reader mo and i am also a kiwi hopeful. someday, in HIS time, maka migrate kami dyan. i'm also beginning to think twice whether i should bring my family to aus or to kiwiland. i have 4 kids, ages 5 to 14. makaka-survive kaya ang income ko as a nurse there/ kasi husband ko, will surely look for a less paying job to start with. i enjoy reading your blog. nakakatuwa. God bless! jenny
@ jenny,
tukayo ata tayo. "jennifer" ang totoong pangalan ko.
Maganda ang Australia. Yung iba natu-turn off sa weather doon pero may heater/aircon naman. It's a big country with big population kaya ang opportunities ay bigger din.
Kung wala kami dito sa NZ, sasabihin ko sa Ate ko na sa OZ na lang mag-apply as nurse. 3 ang anak nya kaya malaki din ang expenses nila. Dito kasi kung may trabaho ka, mabubuhay ka naman modest living nga lang. At kung Permanent Resident ka naman, may ibinibigay ang govt na assistance to augment the family income.
Pareho mong i-explore ang NZ and Australia. i-weigh mo kung ano ang tugma para sa pamilya mo. Ang of course, ask HIM for wisdom.
Post a Comment