Wednesday, April 16, 2008

Hannah turned 1



Nag- first birthday last week si Hannah, ang super pretty kong pamangkin (anak ng brother kong si HO). Pinadalhan nila ako ng pictures nung party. Ang saya-saya nilang lahat, nakakainggit. Bigla tuloy akong nakaramdam ng homesick. Oh well, ini-imagine ko na lang na nandoon ako, nakikikurot sa mascot, kasali sa games at kumakain ng chicken joy (ay mali, sa Jollibee pala yon).


Happy birthday Hannah!

3 comments:

Anonymous said...

cute nga ang pamangkin natin. Di ko sya nakita noong umuwi ako ng pinas.

gg

Anonymous said...

Hi Manang Jink,

Eto, simula pa lang ng spring dito..walang fafa...old maid yata ang drama ko..buti pa ang bading may fafa ang babae wala....umuwi ako nung december...iba ang feeling ng umuuwi sobrang nakaka-homesick..there is no other place like the Philippines..na-miss ko ang fish balls manggang hilaw jollibee..kwek-kwek..sobra...tigerger ka na ba dyan??hahaha..naalala ko tuloy si helen..i rememer kung gaano kasaya nung bata pa tayo...ang bilis ng panahon....anyway parang foreigner ang anak mong girl....ikamusta mo na lang ako kay legolas..baka sya ang future fafa ko..ingat dyan..beng

jinkee said...

@g,

May reunion sila sa Agno. Nakakainngit, sana kasama tayo. Miss ko na ang Sabangan. Kahit mabato doon, warm naman ang tubig di gaya dito sa NZ.


@ Beng,

mabuhay! nasaan ni si poging fafa? laging kinukwento yon dati ng mga sisterettes mo. Baka naman panay work ka dyan. Relax lang at gimik ka minsan. Buti ka pa nakauwi na. Kami wala pang plano. Pero ok lang yon. Mas gusto ko na yung mga kamag-anak ko ang makarating dito. Hopefully si Ate Chris makapunta dito this yr. ingat ka din lagi. mwaaahhh