Simula pa lang ng school year, lagi na akong tinatanong ni Vince kung pwede daw ba nyang iuwi yung alaga nilang budgies sa school. Kapag wala kasing pasok, the kids take turn in bringing them home para naman di sila lonely sa classroom. Ang sagot ko lagi, yes but not now. Napa-oo din ako nung early July. Naisip ko, mabuti din na may inaalagaan yung mga bata, the learn how to care and be responsible. Di bale ng makalat (si henry naman ang taga-linis, he he he).
On the last day of the second term, bitbit ni Vince yung magsing-irog na si Sunshine and Ruby (sa totoo lang, di ko alam ang gender nila). Tuwang-tuwa si Shannen. May mga books kasi syang mga pictures ng budgies. Ang bilin ko sa mga bata, kausapin lagi yung mga ibon para di sila malungkot.
Kahapon, isinoli na namin sila sa school (start ng 3rd term). Sana nag-enjoy sila sa stay nila sa amin as much as we enjoyed their presence. Kahit papano, na-experience ng mga bata ang magkaron ng alaga. Sabi ni Shannen sa susunod penguin naman ang alagaan namin :)
2 comments:
buti naman at luvs nila ang mga animals. Si cioline may alaga namang hamsters dalawa sila fluffy and woffy(di ko alam bat yun ang type nya mga pangalan. Pero ang nakakalungkot namatay si si woffy 3 months ago. Tanda ko pa iniyakan nya ang alaga nya. Umiyak pag pasok nya sa school at sa pag uwi nya umiiyak pa rin. Tuladf ni Henry ako ang tagapag linis ng haus nila.
Maganda daw talaga ang pet esp. para sa mga only child gaya ni Cioline. Natutuo silang mag-alaga hindi yung laging sila ang inaalagaan. Wag nga lang matsu-tsugi yung alaga. he he he (kawawa naman si Cioline)
Post a Comment