Thursday, May 05, 2005

Bangkok.. here we come

At last, we got this invitation from NZ Immigration Service (NZIS) Bangkok for an interview regarding our migrant application. This is the last step in our application. Although it will deplete our savings, I'm really excited nonetheless because this is the first time I am going overseas. For Henry, this is his second time. Saudiboy yon nung early 90's (cutshort nga lang because of Desert Storm).

Another reason for my excitement is our interview date falls on my birthday - May 26. Sabi ko kay Henry wag nya akong ibibili ng kahit anong gift. Ako ang pipili ng ireregalo nya sa akin sa Bangkok. Ok di ba. Last week ko pa kinukulit si Tinay kung saan ang mga bargain centers don. Naglilista na rin ako ng mga food na kaya naming kainin. "Pet noi, kin phet mai dai" - ibig sabihin daw nito not spicy, I canĂ¢€™t take spicy food. Dapat makabisa ko yon para naman ma-enjoy ko yung pagkain nila (di ba nga pati sampalok candy don may sili).

Wala pa kaming nakukuhang flight bookings. We're still scouting for the best price. Yung isang napagtanungan ko, US$195 plus taxes ang 4days/3nights nila. May nagsabi sa akin na meron daw na as low as US$170. Inuusisa ko pa kung sa pakpak ng eroplano ang seat non.

Ilang tulog na lang yon. Sana pleasant yung maging trip namin and, of course the interview. Final stage na yon, wala sanang papalpak.

4 comments:

Ka Uro said...

advance hapi bertdey. sana maging maayos ang intebyu ninyo nang sa gayon ang next overseas mo papunta na ng nz.

jinkee said...

salamat po. pag nasa NZ na kami (fingers crossed) sa next bday ko, invited ka sa party.

Anonymous said...

hi jinkee, tanong lang, kailangan ba talagang pumunta pa ng bangkok for the interview? di ba pwedeng phone interview lang? nagtitipid kasi kami at magastos yung pagpunta pa doon... thanks.

arlene

jinkee said...

Hi Arlene,
Yung mga Americans and Brits na kasama ko sa isang forum, phone interview lang sila. For Pinoys (and a singaporean I know), kailangang talaga ng face to face interview. You may decline daw the invitation but they will assess your application based on what they have. I believe this interview is also a way to check if you speak english well.
Mabigat talaga sa bulsa.