Medyo malayo pa naman ang birthday ko but I decided to renew my driver's license na. Nung April 27, 7:08am pa lang nasa LTO Malabon office na ako. Sa aga kong yon, tantsa ko makakapasok pa ako sa trabaho pagkatapos. The first step is drug test. Sandali ko lang natapos yon kasi nakawee-wee naman ako agad. 7:26am umakyat na ako for the medical test. Aba, inabot na ako ng 8:20, wala pa si Dr. Quack-quack. I admit, I easily get irritated when people who are supposed to serve the public gets soo inefficient. So walk-out ang drama ko.
I went back to LTO this morning to finish my business. Maaga-aga si Dr. Quack-quack ngayon. Natuwa (at nainis) ako sa bilis ng systema. Tinanong lang kung nagsasalamin ako pagnagmamaneho, may hyper-tension ba, may medication bang tine-take... medical na ang tawag don. Ni di man lang ako pinabasa nung chart para sa mata o kaya kinunan ng BP. Sa isang banda, ok na rin yon, binawasan ko ng 2kgs ang timbang ko :-)
Third step is picture taking + verification. Next is payment. Grabe don, sobrang init at ang daming nagyoyosi. Di naman ako maselan pero kadiri talaga pag nadidikit sa akin yung mga pawisang braso nung mga jeepney at tricycle drivers na halatang nagmumog lang tapos umalis na sa bahay nila. Kaya pagkatapos kong magbayad nang 9:50am, umuwi muna ako sa bahay para maligo ulit (eh kasi nga papasok pa ako). Buong akala ko lisensya na yung makukuha ko pagbalik sa LTO. Nagulat ako na yung information ko dun sa una kong lisensya ang ipi-print, eh dalaga pa ako non. Syempre, reklamo na naman ako. Who wouldn't? This is the 3rd time I'm renewing my license under my married name. Ano ba naman sila? Sabi nung nag-e-encode, di pa daw na-u-update yung database nila. Di ko alam pano nangyari yon, I was too exhausted and frustrated to probe. Binigyan muna ako ng tempo license. Balikan ko daw yung card after 3 months. Next time, December pa lang magpapa-renew na ako. Kung palpak ulit sila, at least di masyadong mainit ang panahon, mas forgiving siguro ako pag ganon.
No comments:
Post a Comment