Monday, May 09, 2005

Mother's Day

Mother's Day kahapon at talaga namang na-challenge ang aking pagiging mother. Pano ba namang hindi, Shannen was on her usual no-solid diet. Si Vince naman may sakit. Ang matindi pa nyan, day-off ni yaya Beyonce tapos si Henry may pasok. Although nasa bahay yung mother-in-law ko, nahiya naman akong magpasaklolo.

Shannen is now one yr old pero ayaw pa rin nyang kumain ng solid food. Minsan sa maghapon, 4 na piraso lang ng Marie biscuit (small) ang nauubos nya. She's 1kg underweight according to her pedia. Kahapon naubusan na ako ng pambobola, di ko pa rin sya nalansi na kumain. Sumuko ako. Pinabayaan ko na lang sya sa gusto nya.

Ito namang si Vince, mataas ang lagnat. Umabot pa ng 40.6. Bumababa after taking paracetamol pero tumatas ulit after a while. Wala naman sya complain except for a little stomach upset. He refuses to eat too. Lagi lang nakahiga. Dati maghapon yong nasa harap ng computer or playstation.

At 3pm, I could no longer stand it. Pinauwi ko na si Henry from his work. Pagbaba ko ng phone, I realized na angdali ko namang sumuko. Pano na kaya kung completely walang ibang tutulong sa akin? Halimbawa natuloy kami sa "you know where". Syempre walang yaya don o kaya relatives o kaya kapitbahay na pwedeng tumulong. Kailangan ko pa talaga ng training para maging well-rounded na nanay. Happy mother's day to me.

2 comments:

Ka Uro said...

if it's any consolation, children below 7 gets free medical in NZ. then if you're absent from work due to one of you kids being sick, you or your hubby can claim domestic or sick leave and still be paid. don't worry too much. i'm sure you'll be fine. talaga bang beyonce ang pangalan ng yaya mo? how sosy naman.

jinkee said...

Ka Uro,
Salamat sa pampalakas ng loob.
Kamukha lang ni Beyonce si yaya.