Monday, September 26, 2005

Meeting Ka Uro the first time

I attended several meets of the Pinoyz2NZ group but I never felt more excited than the one we had last Saturday. Pano ba naming hindi, more people signed up, we had bigger venue, and of course Ka Uro agreed to be one of the speakers.

Marami nang tao nang dumating ang aming special guest. Kasama nya si Jean, daughter Fides (very pretty indeed), and some relatives. When he stepped into the room, nakilala ko na sya agad. Sa araw-araw ba namang pagbisita ko sa blog nya, hindi ko pa ba sya makikilala. Nung makaharap ko na sya, parang kaharap ko ang isang matagal nang kaibigan. Sa mga nabasa ko sa blog nya, feeling ko marami na akong alam tungkol sa kanya. Hinanap nya agad yung mga kuntil ko sa kamay. Kung hindi nga lang nakakahiya, gusto ko pa sanag ipakita yung marks ng tinanggal na kuntil ko sa paa. Buti na lang nakapagtimpi ako.

Lalo akong humanga kay Ka Uro nang makausap ko na sya. Simpleng tao lang sya despite what he has already achieved. Walang ere sa kanyang pagsasalita. He’s very soft-spoken (ewan ko kung kinakabahan lang, he he he) and very down to earth. Sabi nga ni Henry, halatang mabait na tao. Hmmmm, palagay ko nga.

Gusto ko pa sana syang tsikahin ng matagal kaso lang alam kong madaming naghahantay na makausap sya. I’m sure, hindi lang ako ang excited na makausap sya ng personal. Andoon si FlexJ, Bluegreen, Marhgil, banjan, lito, allan, etc.

Sana may chance na makausap ko ulit si KU. Pero sana sa next meeting namin sa Auckland na.

9 comments:

kukote said...

talaga? andun yung daughter nya?? di ko ata nakita. =(

i agree with you, ang humble ni ka uro. ;)

jinkee said...

Yup, Fides was there. Kung nakita mo sya, malamang di ka papayag na hindi maging in-law si KU. (joke lang po, KU)

kukote said...

hello ulit! sayang, di ko sya nakita... tsk tsk tsk. anyways, may assignment ka sa akin doon sa blog ko =)

Bluegreen said...

ay kala ko di kasama ni Ka Uro ang kanyang family. sayang di ko sila nakita. Hirap ng malabo mata hahaha!

Yup Ka Uro is really a very humble and down to earth person. Kaya madami fans eh hehhehe

kukote said...

hello ulit! i added you on my links, hope u don't mind. ;)

jinkee said...

Marhgil,
Flaterred naman ako *blushes*

Anonymous said...

inggit talaga ako....

jinkee said...

Di bale, Malou, bubuo din tayo ng meet dyan sa NZ.

Ka Uro said...

jinkee, tama ka, ninenerbyos nga ako noon, dahil sa dami ng tao. but really, i enjoyed meeting the group. si mon papasin nandito na nga pala. nagkausap kami nung sunday.