Thursday, September 08, 2005

Today, I'm broke

Nasubukan nyo na bang lumakad ng walang kapera-pera? Matagal-tagal ko nang di nararanasan ito. Today, that’s my situation. All I have in my purse are coins not more than P20. I realized this only halfway to my office. Ingat na ingat nga ako sa kalsada. Kung mafa-flatan ako ng gulong, kulang pa yung pera ko sa pang-vulcanize.

Last night, I stopped by Mercury Drug to get vitamins and meds for my kids. Sa mahal ng bilihin, nai-surrender ko tuloy lahat ng bills ko sa kahera. Magwi-withdraw sana ako sa ATM pag-uwi kaso, nakalimutan ko na.

Ang hirap ng walang madudukot na pera sa wallet. May credit cards nga ako pero magagamit ko ba yon kung may babayaran dito sa office? Walang problema ang lunch ko, may pa-lunch naman dito. Sa merienda mamaya titiisin ko na lang na di kumain, nakakahiya namang umutang sa canteen. Isa pang problema yung tubig dito sa department namin. Ako ang toka ngayon sa pagbili, di na ako iinom para umabot pa hanggang bukas.

Di naman ako mayaman pero I make sure na kahit papano may 'tao' ang wallet ko. Ayaw kong dumating yung time na may babayaran tapos wala akong mailabas. Gaya ngayon, kakaba-kaba talaga ako. Haaaay, sana uwian na.

5 comments:

Flex J! said...

Di ka nag-iisa...wala ng "Ninoy" sa bulsa......:)

jinkee said...

Buti ka si Ninoy lang ang wala, sa akin lahat ng barkada nya absent.

Ka Uro said...

jinkee,
lam mo ang isang kaibagan diyan at dito sa nz? dito karamihan ng tao hindi nagdadala ng cash sa wallet. lahat kasi dito, taxi, convenient stores, gas station etc. pwedeng bayaran using bank cards at credit card. makikita mo rin pag punta mo dito ang ibig kong sabihin. kaya nga pag-uwi namin palagay ko maninibago siguro ako kasi di na ako sanay magdala ng cash.

Bluegreen said...

Jinkee i have been in that situation a lot of times. Kung minsan, I just smile. It brings out yung resourcefulness in me kasi alam ko wala akong mauutangan. Well meron siguro but then, I never really did. Ayaw ko rin siguro. Somehow I have managed to get by. And it is during those times that all I could ever hold on to is faith...to trust na hindi Nya ko pababayaan. True enough, a lot of those times na am really broke, something unexpected comes along. Kakatuwa, like may bigla magpapakain, eh di libre lunch! God really makes Himself known especially in times when we have nothing else to hold on to.

jinkee said...

KU,
Kailangan mo lagi ng cash dito. Minsan kahit tumatanggap ng card yung establishment, na-o-offline naman yung terminal nila.

BG,
Nairaos ko yung araw ng di nabawasan yung coins ko sa wallet. Ang bait talaga ng Dyos. Naawa sa akin.