6 months na kaming naghihintay sa aming WTR visa. Ang unang pangako ay 2 months lang. Yung ibang applicants are lucky to have theirs on time. Yung iba medyo nagkaroon ng delay ng konti pero wala na atang tatagal pa sa paghihintay namin. Actually, 2 kaming members ng pinoyz2nz ang waiting soo patiently. Sya June 15 nag-submit, kami July 8.
When we made a follow-up early December, v.o. Kamonrat said she’ll finalize our application by end December. Dumaan ang December, walang visa na dumating. Henry decided to give our her a call yesterday. Binalaan ko si Henry na maghanda ng bala in case sabihin ni VO na maghintay kami hanggang end-Feb (yun kasi ang sinagot nya sa isa ring nagfo-follow up).
3:30pm, tinawagan ako ni Henry. Obvious ang suya sa boses nya. Tama nga ang kutob ko, end-Feb ang bagong ipapangako sa kanya. Pumalag daw sya pero ready si Kamonrat na sumagot na “you have to understand that we have some delays in the office�. Poor us, we are at her mercy.
Kung end-Feb pa nga yon dadating, April pa ni Henry maiiwan ang trabaho nya. Tsk, tsk, tsk... Malamang na maiba na ang plano namin. Baka imbes na mauuna sya sa NZ for a month or two eh magsasabay na kami. Pag-inabutan si Shannen ng 2nd bday nya sa May, magiging 75% na ang airfare nya instead of 10%. Sayang din yon. Isa pa, parang mahirap na pagdating namin doon eh sobrang lamig na.
10 comments:
Medyo nakakasuya ngang maghintay, excitement is turning to irritation somehow...pero darating din yan Ka Jinkee...sana ASAP na.
Pero natakot ako ng magpahanda ka ng bala kay Henry, tapang mo pala pag inis na. hehehe. Yung de-sabog ang gamitin mo para mahirap ilagan..LOL! (joke!)
Cool lang sis....hehehe
Nga pala! 140 na ang points sa NZ no? delay na naman siguro ako nito....
May mga tira pa kaming Super Lolo nung New Year. Medyo malakas din yon. he he he
Don't worry about the 140pts. Temporary lang naman yon. Siguro pinapahirap nila talaga para kumonti ang ipo-process nila at para mabawasan ang backlog.
konting patience na lang jinkee. at least WTR na lang ang hinihintay. don't worry too much about the weather here in nz. hindi naman talaga ganun kalamig. siguro first couple of months lang mararamdaman ang lamig. dahil medyo late ang dating ng summer this year, late din matatapos. so baka june or july hindi pa rin gaanong malamig.
yun din ang hinala ko sa 140pts. bababa din ulit yan.
oo nga tagal na din ng wtr namin, july 15 pa kami naglodge and according to our vo, end of feb nga dahil daw sa dami ng workload nila kaya delay..
sana naman totoo na ito this time...
Hi KU,
Takot talaga ako sa lamig. he he he. Anyway, salamat sa pampalakas ng loob.
Chay,
Hello! 3 na pala tayo nila Roland na walang humpay na naghihintay. Mas lumakas ang loob ko ngayon. Magbalitaan tayo ha.
Hi jinkee,
Same boat pala tayo. My VO said end of Feb din. I channeled my frustrations and created a (hopefully) useful blog entry about this final step for WTR applicants. I invite you to read it.
hi jinkee,
wala ka pa bang good news? can you give me some advice? do you think i should make another follow-up? last information i got from ms.rita martin is finalized na application namin ( that is according to my agent kasi sa kanila nagpadala email si ms.rita) sa' yo ba ganun din?
nakakainip di ba? parang lahat sila nasa nz na, kami na lang naiwan...huhuhu
Hi Chay,
Wala pa ring bago sa amin. If we don't get the visas by end-Feb, malamang na mag-reklamo na kami sa Wellington (kaya kayo yon ng powers namin?)
"Finalized" din ang term na ginamit sa amin ni Kamonrat. I am hoping na pareho ito ng visa issuance.
Why not try to make another follow-up by yourself? Kailangan mo lang naman ay yung application # mo. Pag-sinabi sa iyong end-Feb din, at least pwede mo syang balikan later pag di sya tumupad.
Isang problem namin dito sa delay na to eh yung airfare ng bunso ko. She's turning 2y/o on May 02. From 10%, magiging 75% na ang airfare nya. haaaayyy buhay....
jinkee
di ata kaya ng powers ko ang tawagan ang wellington...pero wag ka magaalala ill be supporting you..hehehehe
gumagawa naman ako ng followup kaya lang via email lang, since si ms.rita martin never failed to reply kaya i think reliable pa rin mga sagot nya sa akin kaso puro na lang "wait" sagot nya..
im planning to make another followup this first week of feb kasi although sabi nya end of feb pa maissue visa, sinabi rin nya na possible na earlier than end of feb...should i wait till end of feb before i make another follow-up?
i hope next time tracking number na ng dhl ipadala nya....how i wish...
thanks
Post a Comment