My real name is Jennifer. Sabi ng nanay ko, nakuha daw nya yon sa movie noong 1970's na Love Story. Jennifer ang pangalan ng female character at Oliver naman yung lalaki (kaya naging Henry Oliver ang name ng brother ko). Hindi ako nag-iisa. Sa US, Jennifer ang most popular female name noong dekada 1970 to 1984.
Ok sa akin ang nickname na Jen or Jenny pero mas pinili ng nanay ko ang Jinkee (take note, dapat double E). Recently, nalaman ko sa aking tyahin na sya daw ang nag-suggest sa nanay ko na tawagin akong Jinkee. Ang layo non sa real name ko pero di ko na inusisa ang dahilan.
Nickname na nga ang Jinkee, marami akong kaibigan na pinapaiksi pa ito, ginagawang 'Jinks". May iba pinapalitan pa ng spelling - nagiging jinx. Hindi kaya malasin naman ako non? Sa totoo lang, I used to mind that until i learned that it's Halle Berry's name in Die Another Day.
You can call me Jennifer, Jen, Jenny, Jinkee or Jinx basta ba nakatingin ka sa akin sa pagtawag mo.
5 comments:
love story. "where do i begin to tell the story..." yun ba yung theme song? feeling ko tuloy tanda ko na. matanda lang siguro ng konti sa nanay mo.
Tumpak, KU. Yung nga yung theme song nong movie. Malaki naman siguro ang tanda sa iyo ng nanay ko. Pero lamang ka lang ng konti kay Henry. he he he (buti di sya nagbabasa ng blog ko)
Ate Jinkee, Love Story is one of my fave books of all time... Fave ko kasi si Erich Segal ( uuy senti). Pero dun ka pala ipinangalang...
Last Sat. after the Pinoyz2nz meet pumunta ako ng Quiapo. Tapos, surprise surprise.. kita ko DVD ng "Love Story" naalala kita. Next meet kung nandito ka pa, bigay ko sayo... Cheers! Armi.
Hello sis,
Talaga, meron pa non. Makabili nga, di ko pa kasi napapanood yon :-)
Post a Comment