Wednesday, June 14, 2006

"Living Thing"

Usapan namin sa bahay noong isang araw.

Henry: Nakita mo ba yung pajama ko?
Jinkee: Anong itsura non?
Henry: Yung suot ko kagabi na blue?
Jinkee: Ah yung ba, baka naglakad na. 3 araw mo nang suot yon di ba?

Pag-ganitong malamig at maulan, di ka papawisan kaya pwedeng i-recyle nang i-re-cyle ang damit. Pero kung naging "living thing" na yon at naglakad nang mag-isa, aba'y dapat ng i-shoot sa washing machine.

Sadyang mahirap magpatuyo ng damit sa panahong ito. Meron naman drier (separate from the washer) pero sayang ang kuryente kung laging gagamitin. Isa pa, nasisira ang elasticity ng garter ng mga damit pagnainitan sa loob ng drier.

Sa susunod na may mawalang recycled na damit sa bahay namin, alam ko na kung ano ang nangyari.

2 comments:

Anonymous said...

baka nag lakad papuntang washing machine...sa susunod mag sasalita na yan."pakilabhan na po nyo ako"...Ipunin mo muna ang damit pag marami na saka mo labhan ng sabay sabay para tipid sa koryente at tubig na rin.

Flex J! said...

Marami pala dyang "zombie clothing" hehe