I went to Forrest Hill Primary School last Tuesday to enroll Vince. Simple lang ang reqt - passport and visa ko at ni Vince. Hindi nanghingi ng school records/certs. Age ang basis nila kung saang class ilalagay ang bata. Since Vince is 6.5y/o, he'll be joining Year 2. Pwede na sana syang magstart nung Wednesday pero sabi ko sa Tuesday na lang. Di pa kasi ako emotionally prepared. hehehe
Maliliit lang ang class size dito. Less than 30 ang isang klase. Sa class nila Vince, 23 lang sila. Ang start ng class ay 8:55am to 3pm. 3 beses ang break para kumain. Isang 5 minutes sa umaga where they need to bring "healthy food", isang tea break at lunch sa 1pm. Di daw uso ang kanin sa school kaya ipagbabaon ko ng sandwiches at pies si Vince. Sana masanay sya sa ganitong pagkain.
Kung working ang parents, pwedeng iwanan ang bata before or after school. May ganitong service na available sa school. NZ$12 ang bayad. Isasama ko si Vince dito pag nakapag-work na ako. Kung sanay na sana sa area yung MIL ko, pwedeng sya na ang susundo. Medyo takot pa kami at this point.
4 comments:
hi jink,
buti madali lang ang pag enroll dyan..d2 pati immunization records kailangan.Di ba pwedeng mag baon ng pera si vince? Magkano ang school fee dyan?
barbara
Hi Jinkee,
Yung anak kong babae nasa yr5 na pero nagbabaon pa rin ng kanin pero yung 2 boys ko na nasa high school na sandwich na ang baon. Ayaw gumastos ng mga boys ko kasi alam nila ang exchange rate nanghihinayang. May pagka-kuripot kasi ang mga ito aywan ko kung kanino nagmana.
malou
Hi Alma,
Welcome to my blog. Libre ang public school dito. Ang binayaran ko lang ay NZ$43.50 for the stationery (school supplies) and school donation. Nag-inquire din ako sa catholic school pero nasa waiting list si Vince. Baka mga next yr pa daw maipasok. Kung magsi-6y/o na yung anak mo, Year 2 na rin sya sa pasukan.
G,
Hinanapan din ako ng imminization record. Since di ko dala nung nagpunta ako sa school, sinabi ko lang sa secretary na updated sya. She took my word for it naman.
Hello Malou,
Di na naman nakain ni Vince yung lunch nya na pie. Ang lamig daw kasi. Kawawang bata, di na nga kanin ang tanghalian, malamig pa =(
Hi Alma,
Although I see some kids na naka-sweatshirt na may tatak ng school nila, walang uniform na prescribed kila Vince. I'm not sure with other public schools here. Sa private schools, siguradong meron.
Post a Comment