Boto ang Auckland Regional Council sa Mt. Eden. We knew it will turn out that way. So far, isa pa lang sa mga nakausap ko ang pabor sa Waterfront. Yung isang ka-opisina ko na magma-migrate sa Australia next month. Lahat ng tao dito ay worried sa impact ng stadium sa tax. Ngayong taon kasi, nagdoble daw ng rates nila. Gano pa kaya kung gagastos ng malaki ang govt sa construction ng stadium.
Nakakatuwa ang consultation system dito. Lahat ng desisyon na makaka-apekto sa tao ay dumadaan sa hearing. Kung sa Pinas yan, malamang papaboran ng mga decision-makers yung option na makakapag-kikbak sila. Di bale ng mamulubi ang mga taxpayers sa pagbabayad. Naku, sana naman tapos na yung ganong kalakaran para naman masulit ang bawat sentimong binabayad ni Juan dela Cruz.
1 comment:
hay naku tama ka jinkee... sana nga mabago na ang palala ng palalang sistema dito. Pati si pacquiao na aminado ng walang alam eh pinipilit pa rin isabak sa bulok na pulitika dito. Kailangan na namin ng "HIMALA"
Post a Comment