Monday, November 27, 2006

It's officially PR

Dumating na yung passports namin kanina kaya officially Permanent Residents na kami ng New Zealand. Yipeeee!!!! Aside from the Permanet Residence visa, meron din kaming sticker ng Returning Residence visa. This means pwede kaming lumabas at pumasok ng NZ if we want to.

Marami daw benefits na maa-avail sa govt through Work and Income. Merong tulong sa paghahanp ng trabaho, financial assitance, Community Service Card (discount sa healthcare), daycare allowance, etc. I haven't had the time to learn more about this. Promise, this week babasahin ko yon. Kung qualified kami, aba, malaking tulong yon sa budget namin.

8 comments:

Kiwipinay said...

Congratulations, Jinkee! sarap ng feeling ano? at last! ngayon ay ganap na kayong residente ng nz! makakaboto ka na rin at makakakunga nga ng mga benepisyo! hala! wag na magtrabaho at apply ka na sa DOLE! weeehehehehe....

jinkee said...

KP,
Plano ko ngang repasuhin yung policy sa lahat govt benefits para naman makabawas kami sa expenses.

Ang tagal ko na dito di pa tayo nagkikita. Sana makapag-kape naman tayo minsan.

cheers
jinkee

Ka Uro said...

huwag ka nang magpunta ng winz dahil siguradong di kayo qualified. taas sweldo niyo eh. congrats nga pala!

Anonymous said...

congrats! sarap ng feeling di ba kaya lang kung umabot na ng 80K gross ang annual income nyo ni henry eh wala ka ng maaasahang "family assistance" sa wins 2 lang kasi ang tsikiting mo eh. pwede gawa kayo ng pangatlo para makatanggap kayo ng "in-work payment" (ninang ako ha)

yra said...

Congrats Jinkee! kami naman kaka approve rin PR namin dito sa Singapore..dito muna kami habang pina process naman ang NZ application. Hope to see ulit!

jinkee said...

KU,
Qualified kami sa family support. May nahagilap akong pinoy sa WINZ. Tatawagan ko sya mamaya.

Malou,
Nangkopo, no more kids for us. Tama na yung 2 makukulit na tsikitings. Kung may magvo-volunteer na mag-aalaga, why not.


Ary,
Congrats din sa inyo - Filipino citizen, now Singapore PR, soon NZ residents. See you in NZ.

Anonymous said...

hi jinkee!!

at last! Congrats...natupad na rin..


daisy

Anonymous said...

hello jinkee, henry, vince and shannen;

congrats! so may bago na ulit kayong nationality. buti pa sila vince and shannen, bata pa, may pagpipilian na... I'm very happy for your succesful in life... ingat kayo! and more Blessings pa! Tama na nga 2 kids, partner na naman sila eh!

Emma