Yesterday was horrible. Glass walls ang paligid ng building namain kaya talaga nga namang feel na feel ko yung tindi ng hagupit ng hangin. The stongest was about 150km per hour, enough to make the Sky Tower sway, cancel ferry trips and chop off trees. Akala ko mabubura na ang Auckland (of course that's an exaggeration). Yung isang opismeyt ko nag-bus na lang pauwi kasi natakot syang tangayin yung kotse nya sa Harbour Bridge (she drives a small car).
Normal ang malakas na hangin dito. Nagtataka lang ako at di sila nagde-declare ng storm or typhoon, di daw uso yon. Kung sa pinas to, pinauwi na lahat ng estudyante at govt employees (as if sila lang ang apektado, huhuhu). Anyway, it's a fact of life here in Auckland. Naku, pano pa kaya ang Wellington? They wouldn't call it Windy Welly for nothing. mahihirapan ang powers ko don.
2 comments:
hi jinkee,
long time no type sa blog mo... anyway, tama ka sa tinuran mo kaibigan! kung dito nga sa Pinas, malamang lahat lang ng govt employee ang parang tipong mga sakitin at nai-stranded sa kalye. Ang mga private employee, malalakas ang katawan at kayang-kaya umuwi kahit lubog na ang maynila... hehehe
Ems,
Sanay na sanay tayong pumasok come hell and high water. Kasi naman ayaw nating ma-undertime. Bawas kita rin yon. Alam mo kahit papano miss ko na yang opisina natin, promise.
Post a Comment