Friday, March 30, 2007

Driving in NZ

Kung may Philippine driver's license ka, pwede kang magmaneho sa NZ ng 1 taon kahit di ka kumuha ng local license. Pero bago dumating ang anniversary mo dito, dapat ka ng pumasa sa theory at practical driving test.

Itong si Henry, nagpakadalubhasa muna bago nag-decide na kumuha ng test. Sa 08 April ang year 1 nya dito kaya pressured sya na pumasa sa tests. Nung Martes sya nag-theory exam. Salamat naman at pasado. Sa Lunes naman ang actual driving test. Onewa ang pinili nyang venue. May mas malapit sana (sa Browns bay) pero terror daw yung examiner doon.

20 May ang anniversary ko sa NZ. Malapit na rin yon pero minimal pa rin ang driving skills ko. Pano naman mga 3 weeks pa lang talaga akong nagmamaneho tapos ang iksi pa ng ruta ko (bahay-bus station, bus station-bahay). Kahapon medyo malayo-layo ang narating ko, naka 31.6kms ako.

Ilang beses na akong nabusinahan dahil sa maling diskarte. May isa pang instance na talagang muntik na akong mabangga. But every kilometer driven makes me wiser and more confident. Konting practice pa at pwede na akong sumalang sa driving test.

Thursday, March 29, 2007

Hello new school

Lilipat na school sa susunod na term si Vince. Kadadating pa lang namin nang i-apply ko sya sa St. Joseph Takapuna. Ngayon lang nagkabakante kaya natanggap sya (buti na lang maraming lumilipat sa Australia).

Ok naman ang publis school system dito. Kaya lang gusto namin ng catholic education para sa mga bata. Subsidized ng govt ang tuition sa mga catholic schools kaya di masakit sa bulsa. Nasa NZ$650 (or Php20,000) ang isang taon, mas mahal pa yung tuition fee ng pamangkin ko sa Pinas.

Kanina, nag-meet and greet na sila ng new teacher and classmates nya. Sa April 23 ang simula ng pasok. Vince is looking forward to his new school. Marami kasing pinoy na nag-aaral doon, including his best friend.

Wednesday, March 28, 2007

Stressed

I far from being relaxed these days. Kanina lang ko lang kasi na submit yung application for visa extension ng mommy ko. Dinala ko na mismo sa immigration para maka-save ng oras. Kahapon ko lang nalaman na 30 days ang processing time. Eh 21 days na lang ang validity nung visa nya. Sabi nung nakausap ko sa contact centre, she needs to exit NZ if her visa doesn’t get extended before it expires. what????......

I never had a problem before with MIL kasi online ang application ng extension. Isa pa, we didn’t sponsor her stay here kaya no numerous docs to submit. And it only took us 6 days to get the approval. Tinanggal na yung online application kaya nagkaloko-loko na.

Wala kasi kaming plan B kung sakaling di yon ma-extend on-time. Unthinkable pa yon sa akin at this point. Nakaka-stress talaga. Since wala na sa akin ang bola, wala na akong magagawa. Panay-panay na lang ang dasal ko para humingi ng divine intervention.

Friday, March 23, 2007

Friday, March 16, 2007

Toilet and bath

Nakalipat na kami sa bago naming flat noong Sabado. We really like our new place - mas malaki kaysa dati at maganda ang view sa labas. Everything is fine however may isa kaming source of discomfort. Magkahiwalay ang aming toilet sa bathroom. Ok sana to, pwedeng may naliligo habang may gumagamit ng CR. Eh kaso walang gripo sa banyo. Eh dib a pag pinoy, kailangang may tubig/tabo, kulang ang tissue-tissue lang (tabi-tabi po sa mga kumakain).

Pwede namang magkabit ng gripo. Pero kumplikado pag may hot water pa so malamig lang yon. Ang hirap atang gamitin non lalo na pag winter.

Hay naku, ano ba yang pinoproblema ko. Maliit na bagay lang naman yon. Siguro naman masasanay din kami later on.

Sunday, March 11, 2007

Going Around NS and Waitakere

Exploring Akl ang drama ko for 2 weeks now. Noong isang linggo, nasa training ako sa Waitakere. Sa 4 na araw na yon, iba-ibang routes at transpo modes ang sinubukan ko. Andyan yung nag-taxi ako, nakisakay sa kaopisina ko, nag bus via city, bus via Greenhithe, at pati na ang tren sinubukan ko. Mahaba man yung byahe (1.5 hrs bus), enjoy naman ako sa scenery.

Ngayong linggong ito kami lumipat sa Meadowood kaya naiba ang ruta ko sa pagpasok. Dahil malapit lang kami sa bus terminal, mapa- Park and Ride ako sa Constellation Station. Iniiwan ko lang yung kotse doon (libre ang parking) tapos sasakay ako ng express bus. Binabalikan ko na lang yung kotse sa hapon. Ilang beses na akong namamali ng bus kaya kung saan-saan ako nakakarating. Hopefully, hindi na yon mangyayari sa mga susunod na araw.

Friday, March 09, 2007

Grammy's lakwatsa no. 1 and 2







So far, dalawang beses pa lang naming naipapasyal ang mommy ko dito sa Akl. Puro sa Shore lang para tipid. he he he Nung first weekend nya, we took her to Takapuna Beach after hearing mass at St. Joseph. Maraming nagpa-para-gliding, kayaking at sailing nung time na yon kaya naaliw kami sa kakapanood.




Last Saturday, sa Devonport naman kami. First stop was at the wharf. Nang magsawa na kami sa kakabilang ng boats, ferries at seagulls, punta naman kami sa Mt. Victoria. It's actually a small, inactive volcano. The view is really lovely up there. You can see Takapuna in the north, Rangitoto Island Volcano in the east, Sky Tower in the south and Harbour bridge in the west. Magtatagal pa sana kami doon pero lumalalim na ang gabi.