Friday, March 30, 2007

Driving in NZ

Kung may Philippine driver's license ka, pwede kang magmaneho sa NZ ng 1 taon kahit di ka kumuha ng local license. Pero bago dumating ang anniversary mo dito, dapat ka ng pumasa sa theory at practical driving test.

Itong si Henry, nagpakadalubhasa muna bago nag-decide na kumuha ng test. Sa 08 April ang year 1 nya dito kaya pressured sya na pumasa sa tests. Nung Martes sya nag-theory exam. Salamat naman at pasado. Sa Lunes naman ang actual driving test. Onewa ang pinili nyang venue. May mas malapit sana (sa Browns bay) pero terror daw yung examiner doon.

20 May ang anniversary ko sa NZ. Malapit na rin yon pero minimal pa rin ang driving skills ko. Pano naman mga 3 weeks pa lang talaga akong nagmamaneho tapos ang iksi pa ng ruta ko (bahay-bus station, bus station-bahay). Kahapon medyo malayo-layo ang narating ko, naka 31.6kms ako.

Ilang beses na akong nabusinahan dahil sa maling diskarte. May isa pang instance na talagang muntik na akong mabangga. But every kilometer driven makes me wiser and more confident. Konting practice pa at pwede na akong sumalang sa driving test.

2 comments:

Kiwipinay said...

ako rin nagbabalak ng magpa actual driving test. ehehhe... ngayon pa lang ako nagkakalakas ng loob na magpa-test. sana ay pumasa tayo. masakit din sa bulsa kapag na take 2. good luck sa inyo ni Henry.

Anonymous said...

kami ni mark sabay nag-theory test pero pagdating sa actual nauna siya para mabigyan nya ako ng tip kung saan ang rota. isang linggo ko ring iniikot tuwing hapon yung lugar para maging pamilyar sa akin kaya nang actual test ko na less na yung kaba ko.