Friday, March 16, 2007

Toilet and bath

Nakalipat na kami sa bago naming flat noong Sabado. We really like our new place - mas malaki kaysa dati at maganda ang view sa labas. Everything is fine however may isa kaming source of discomfort. Magkahiwalay ang aming toilet sa bathroom. Ok sana to, pwedeng may naliligo habang may gumagamit ng CR. Eh kaso walang gripo sa banyo. Eh dib a pag pinoy, kailangang may tubig/tabo, kulang ang tissue-tissue lang (tabi-tabi po sa mga kumakain).

Pwede namang magkabit ng gripo. Pero kumplikado pag may hot water pa so malamig lang yon. Ang hirap atang gamitin non lalo na pag winter.

Hay naku, ano ba yang pinoproblema ko. Maliit na bagay lang naman yon. Siguro naman masasanay din kami later on.

4 comments:

Kiwipinay said...

haha! oo nga, sis ... bihira sa kanila may lababo sa loob ng toilet. yung dati kong natirahan, may makitid na lababo sa loob, ang cute ngang tingnan. ehehhehe... lagay ka na lang ng mga balde at tabo sa loob. ;-)

musta na si mader? lumalamig na.

Anonymous said...

ganyan din ang flat namin dito sa chch kaya kailangan pang lumipat sa bathroom after toilet.

Anonymous said...

oks lang yan insan basta wag lang kalimutan ang tissue sa listahan tuwing mag go grocery at baka papel de hapon ang magamit nyo..ha..ha..ha

regars to tita gay
gg

jinkee said...

KP,
ok naman ang nanay ko. Sa umaga binubuksan ko na ang pc para makabasa sya ng mga bagong tsimis sa www.abante.com.ph at pep.ph. Paborito nyang basaying yung tungkol kay Kris :)


Malou,
kumusta dyan sa chch? winter na ba? sila doc annie nga pala kakakuha lang ng invitation to apply for PR. Grabe, ang tagal din nung kanila.

g,
maraming dahon sa paligid namin, pwede na yon :)