Thursday, March 29, 2007

Hello new school

Lilipat na school sa susunod na term si Vince. Kadadating pa lang namin nang i-apply ko sya sa St. Joseph Takapuna. Ngayon lang nagkabakante kaya natanggap sya (buti na lang maraming lumilipat sa Australia).

Ok naman ang publis school system dito. Kaya lang gusto namin ng catholic education para sa mga bata. Subsidized ng govt ang tuition sa mga catholic schools kaya di masakit sa bulsa. Nasa NZ$650 (or Php20,000) ang isang taon, mas mahal pa yung tuition fee ng pamangkin ko sa Pinas.

Kanina, nag-meet and greet na sila ng new teacher and classmates nya. Sa April 23 ang simula ng pasok. Vince is looking forward to his new school. Marami kasing pinoy na nag-aaral doon, including his best friend.

1 comment:

Anonymous said...

may kamahalan pala ang school fee..Di na rin pala sya maiilang sa bagong school nya..andoon si bestfriend.