Friday, October 19, 2007

Kiwi-style sampayan


Ang cute ng sampayan dito sa NZ. Parang spider wed na rotating. Di mo na kailangang lumipat ng pwesto pag magsasampay dahil pwede mo syang paikutin. At kapag malakas ang hangin, para syang roleta ng kapalaran. Nakakaaliw tignan. Kaya nga ng dumating ang mommy ko dito, gusto nyang magpakuha agad ng picture sa tabi ng sampayan.

Sa US, UK at ibang western countries, ayaw na nila nito dahil daw pangit at wa-klas. Kaya maraming bagong subdivisions doon ang banned ang sampayan. In fact, may multa ang mga offenders. Kaya ang siste, sa dyrer ang diretso ng damit pagkatapos labhan. Iba dito sa NZ. Environmentalist kasi kaya they stuck with the old-fashioned clothesline. Oo nga naman, mag-aaksaya ka pa ba ng kuryente sa dryer kung libre naman ang hangin at araw. Siguraduhin mo lang na maayos ang pagkakasipit dahil baka makarating yon sa kapitbahay. At pag dumilim, takbo na at limasin na ang labada.


Note: I have changed the photo above. Sampayan na ng kapitbahay namin ang nasa picture.

3 comments:

Anonymous said...

te,
muntik ko na sabihin na ang ganda ng bahay nyo, buti nakita ko yun note sa baba. hehehe... :-)

Anonymous said...

oo nga mas maganda ang mag sampay sa init ng araw dahil mas mabango ang damit.Ang cute cute nga eh.naka fix ba ang sampayan sa labas?..

jinkee said...

@ Cindy,

Pinalitan ko na yung picture. Sa kapitbahay namin yung bagong nakalagay. Di pa din ako nakakapunta sa SB. Itabi mo lang yung cheesecake ko ha :)


@ insan,

Dahil malakas ang hangin dito, nawawag-wag maigi ang damit. Libre plantsa na din. Yup, fixed ang sampayan dito. Pano kayo nagsasampay dyan? May veranda ba ang mga apartments sa Singapore?