25th December, di ko pa din makumbinse si Shannen na Pasko na. Despite the presents and Christmas decors in the house, sabi pa din nya "It's not Christmas yet!". Kasi daw wala snow at Christmas lights sa paligid. Naku, kaya naman pala.
Sa una nyang hinahanap, wala akong magagawa. Eh hindi naman talaga naye-yelo dito sa Auckland (except sa Snow Planet). Isa pa, summer ngayon.
Doon sa lights, ang pinakamalapit na may mga Christmas lights ay nasa 400m ang layo. Marami namang bahay ang may Christmas trees sa loob pero iilan lang yung nagde-decorate sa labas. Kaya ang naisip namin, pasyalan yung mga bahay na kumukutikutitap.
Merong contest yung isang real estate company dito. Hinahanap nila yung pinakamaliwanag na bahay. Kinuha ko yung address ng mga bahay na malapit sa amin. Noong gabi ng 26th, 10 yung pinuntahan namin. From the smile on her face every time she saw a sparkling house, Shannen is now convinced that it's already Christmas.
5 comments:
ate happy new year! any chance kaya na me kakilala ang hubby mo na pinoy dito sa hamilton na mahilig din mag fishing? salamat !
@ Eric,
Serioso ka pala talaga sa fishing. Nasa Hamilton ka na ba? Walang kilala si Henry na nagfi-fishing doon. Actually, yung kasama nyang puti lang ang kilala nyang nagfi-fishing sa laot. Ang suggestion nya, got to the site - http://www.fishing.net.nz and look for charter fishing there. Pwede kang sumama sa iba. He also visits that site often. Pag may nakita syang spot dito na pwede sa gilid-gilid lang mag-fishing (no boat), i'll inform you. Pasyal ka na lang dito sa Shore.
have a great fishing time.
happy new year!!
happy new year jinky! ang nice ng houses na napuntahan nyo. Ganda nga mag pa picture dyan. Bilis ng panahon ano at mag 2 yrs na rin kayo dyan, kasabay naman ng 2 yrs stay namin dito sa SG. Hay sana magising na ang VO namin.
@ ary,
Oo nga, halos sabay tayong umalis ng Pinas. Lagi mong isipin yung VO nyo para masamid lagi, maaalala kayo non. he he he
Happy New Year!
salamat ate! dito na po ako sa hamilton.
Post a Comment