A friend from Manila sent me an email on recalled sweets from China. Nasa listahan yung Lotte Koala, Dove choc, Meiji, M&M, Snickers, White Rabbit, etc. Allegedly, marami itong melanine (di ba plato yon?).
As usual, nag-grocery ako sa Pak 'n Save nung weekend. Bakasyon ang mga bata ngayon kaya mas madami than usual ang snack foods na nasa listahan ko. Kumuha ako ng dalawang packs ng Oreo wafersticks, favorite yon ni Vince. Nakailang hakbang na ako nung maisipan kong silipin kung saan gawa yon. Gulat ko, made in China. All the while akala ko galing yon sa Australia. Di ko matandaan kung nasa listahan ang Oreo. So to be safe, iba na lang ang kinuha ko.
Pag dating sa bahay, binalikan ko yung email. Nakupo, nandon nya ang Oreo sa listahan. Hay, mabuti na lang nagdalawang isip ako. My brother-in-law is not a fan of china-made products (kahit na mura). Ngayon nadagdagan sya ng rason bakit.
1 comment:
pareho tayo marekoy, pag galing tsina yung food di ko na binibili. buti na yung nag-i-ingat. tnx nga pala nakapunta ko dun sa billabong at rip curl nung weekend, nakatiempo din ng pangpasalubong.
Post a Comment