Sa Pinas, Milo drinker talaga ako. Kahit libre ang brewed coffee sa opis namin, sa hot choco pa din ako. Sabi kasi ng nanay ko dati, pang matanda lang daw yon.
Dito sa NZ, natutunan ko ang pag-inom ng kape. Meron ding hot choco sa beverage machine namin kaso sobrang tamis. Minsan latte ang iniinom ko, minsan capucino. Hindi ko alam magkaiba pala ng timpla yung dalawa. Para sa taste buds ko, pareho lang yon.
Last month, may sinubukan akong bago. Tsaa naman. Di lang basta tsaa but tea with milk. Dati napapa-ngiwi ako pa nakikita ko yung mga opismeyts ko na nagti-timpla non. Common yon sa mga tao dito (healthier daw) pero sa akin unimaginable. Lemon lang ang alam kong sinasama sa tea (na hindi ko din masyadong type).
May isang pinoy na nagsabi sa akin na masarap daw yon. Madali naman akong magtiwala so sinubukan ko. Guess what? Gusto ko yung lasa. Since I tasted it, di na ako nag-attempt magtimpla ng kape. Pang matanda lang kasi yon. ha ha ha
5 comments:
oo te, masarap talaga ang tea with milk. yung latte and cappuccino, magkaparehas lang yun ng timpla, ang pinagkaiba lang nila ay yung kalahati nung cappuccino is froth...:-)
@ cindy,
For sure you're already an expert in that area. 'ika nga ng mga kiwi "you're a ligind". Balitaan mo ako pag may mga free drinks ang SB :)
hi jinky, andami nyan dito sa singapore no pansin din ako sa milk tea na yan. minsan i try ko rin... sa ngayon anlene ako. kasi lapit na mawala sa termometer ang edad ko.
barbara
kape pa din ako mare pero inintroduce ko sa opis namin yung coffemate sa kape instead of milk. nung una ako lang gumagamit nito pero madami na din akong na-convert
@ g,
subukan mo yon minsan - tea with milk. pwede rin siguro ang Anlene.
@ bong (na hindi naman "mad"),
Nagdala din ako dati ng Coffeemate sa opis. Sabi nung mga puti masama daw yon, mataas ang fat contents. Hay naku, tinigilan ko nga.... ang pakikinig sa kanila :)
Post a Comment