I was supposed to take the day off today. May rippa rugby tournament kasi si Vince. Their school is competing with other schools. Pangalawang laban na nila. Natalo sila nung first. Di ako nakanood dati so sabi ko sa kanya manonood ako this time to give him moral support.
While having dinner last night, sabi ni Vince ok lang daw na di na ako sumama kasi may trabaho ako. That was really thoughtful. But since pinayagan na ako ng boss ko, sabi ko manonood talaga ako. Isa pa, gusto ko ring malaman paano nilalaro yung rippa rugby. Para naman "in" ako, di ba. However, he still insisted na ok lang syang mag-isa. Eventually, lumabas din ang totoong rason. Ma-e-embarass daw sya kung may kasama syang parent/s. ano?!!! ...
Medyo natauhan ako doon. Ang baby ko, nagsisimula ng magkaron ng sariling buhay. He's turning 9 next month. Hindi ko alam kung too early yon para magsimula syang mag build ng sarili nyang indentity and independence. Oh well, mangyayari naman talaga yon. Hindi man ako sang-ayon eh dapat paghandaan ko na talaga.
3 comments:
sakay na sakay ako dayan jinkee, kakalungkot din naman kaya minsan para kaming paparatzi ni mark na palihim sumisilip sa kanila. ang natatandaan ko teenager na ako bago ako bumitaw sa palda ng nanay ko, ang mga bata ngayon kakabitaw pa lang sa andador independent na, kaloka.
mag kakaroon ka ng binata jink. Ganon pa rin si cioline.Madalas parin nya kong ayain mag laro ng barbie. Nkapanood ka naman ba?
Nakita ko pix ni tita nieva. ang gaganda. swerte ni sam naka pag tour din sya.
@ malou,
ganun ba talaga yon? maeetsa-pwera ba talaga tayo sa mga lakad nila? may usapan kami ni Vince na hanggat kaya ko syang buhatin eh baby ko pa din sya. Ang bigat na nya ngayon, malapit ko na ngang di maangat. That's a sign.
@ gg,
palagay ko mas matagal nagki-cling on sa parents ang mga girls. Naku sana nga para matagal ko pang mae-enjoy ang company ni SHannen.
Nakita ko yung mga pictures na padala ni Tyang. Na-homesick nga ako :(
Post a Comment