Sunday, September 21, 2008

Hoodie-doodie

In sa bagets dito ang Billabong, an australian clothing brand. Ang alam ko meron na ring retail non sa Pinas. Kahapon, sinamahan namin ni Shannen yung kapitbahay naming pinoy sa Billabong factory outlet sa Albany. Meron kasi silang teen and pre-teen na anak. Isa pa, nagpupuno sila ng box para ipadala sa Pinas for Christmas.

Itong si friend, tumitingin ng mga hooded jackets. Yun daw ang bilin sa kanya ng mga pamangkin nya. Huh? Eh ang init di ba sa pinas. Pwede sigurong isuot sa December pero after that para ka ng sinisilaban. Eh uso daw yon. Sabi ni brother-in-law, sa teleseryeng Joaquin Bordado, lahat daw ng scene naka-hoodie yung mga tao. O sige, pagbigyan na for the sake of art.

2 comments:

Anonymous said...

marekoy, saan yung billabong factory outlet sa albany?

jinkee said...

@ bong (na di naman "mad"),

sa may 1/7 Triton Drive yon. Halos katabi ng RipCurl factory outlet. Tamang-tama yon sa mga bagets mo.