Wednesday, June 29, 2005

ITA4WTR

I had a series of unfortunate events last week (na-hit&run sasakyan ko, nag-rapture appendix ng dad ni Henry, problem @ work, etc.). But that was last week; nabawi ko ng lahat yon. Monday morning, I went to the post office to pickup a registered mail. Nang iabot sa akin yung sobre medyo ninerbyos ako. Envelope kasi yon ng NZIS Bangkok. Pagbukas ko, laking tuwa ko nang makita ko na nasa harap ko na yung pinakaaasam-asam naming resulta. Di man yon approval for PR, swerte na rin na meron kaming invitation to apply (ITA) for Work-to-Residence (WTR) visa.

Nakasulat sa letter na deferred yung aming PR dahil walang kaming job offer. This will only be awarded to us if principal applicant after 3 months of work in NZ. Di acceptable yung gasoline boy, cab driver and the likes. It has to be relevant to his qualifications/ work experience. Siguro naman sa 2.5yrs na WTR visa na ibibigay nila, makakahanap na ng trabaho non si Henry.

Kung pwede lang sanang ipadala na agad yung application form namin, gagawin ko na agad. Ang kaso mo, magpapakita pa kami ng ‘show money’. Dapat kasi may funds kami sa bangko na enough to support us for 3 months in NZ. Ito ang medyo mabigat kasi NZ$1000/month per person yon or NZ$12000 for the entire family. Kung may pre-paid accommodation, $400/month per person na lang yon. Di ko sure kung pwede rito yung accommodation sa bahay nung friend ko.

God is really good. Kung may times na minamalas ka, pinapabawi ka naman nya sa ibang araw. Salamat po!

Thursday, June 23, 2005

Temperature in the Phil and in NZ

One of the first things I researched about NZ is its climatic condition. Ayaw ko na sobrang mainit, nakakairita rin ang sobrang ginaw. Turn-off ako sa Canada dahil feeling ko di ko kaya ang lamig don.

Being on the southern hemisphere, baliktad daw ang season sa NZ compared sa Pinas. Kung nagsisimulang lumamig dito ng December, iyon naman ang start ng summer nila. The northern island is warmer than the southern (by about 3 degrees). Some says it's because of the volcanoes in the island. Totoo kaya?

Pag summer dito sa Manila, ang pinakamalamig ay nag-a-average ng 25 degrees Celcius. Ang kainitan naman ay 33 degrees. Sa Aukland, di hamak na malamig ang summer nila - 16 to 22 degrees. Pero kwidaw kay haring Araw. Balita ko mas damaging sa balat ang sikat ng araw don kaya normal lang ang mag-sunblock paglalabas ng bahay.

Ang kalamigan dito sa atin ay mula Dec to Feb. Nalalamigan na ako sa 21 to 30 degrees kaya siguradong mamamaluktot ako sa winter nila. 8 to 14 degrees sa Auckland pag winter (June to September). Nung isang araw nag-5degrees daw sabi nung kaibigan ko. Gayun pa man, hindi sila inaabot ng snow.

Mas marami ang ulan (at baha) dito sa Pinas. Ang tag-ulan dito (June to Sept) ay may average rainfall na 34cm. Although hindi nalalayo ang buwan ng ulan sa NZ (May to August), mas konti naman ang buhos don. May average na 12cm ang rainfall sa Auckland, 6cm naman sa Christchurch. Isa pang pagkakaiba ng 2 countries ay ang frequency ng ulan. May madalas umulan don. Summer na sa Auckland pero 7cm pa ang rainfall. Sa mga months naman na tag-tuyo dito sa atin, nasa 1cm lang ang rainfall.

Marami akong nababasa tungkol sa mga Brits moving to NZ on the basis of climatic condition. Sa kanila malaki talagang issue yon. Pero para sa mga pinoy, wala naman sigurong dadayo pa don dahil lang sa kinder ang weather don (economics pa rin ang nasa top slot). Nevertheless, big bonus ito na maituturing.

Friday, June 17, 2005

Hello... are you still there?

Ilang araw din akong absent sa pagbo-blog. Wala kasi akong mai-kwentong bago tungkol sa NZ immigration applicatin namin. Kaya nga pati yung mga political colors pinagdiskitahan ko.

It's been 3 weeks and 1 day since our interview in Bangkok. Our visa officer told us that the decision will be out in 2 months. Wala pa kami sa kalahati ng paghihintay. Nakaka-tense pag nakakabalita kami na merong iba na as short as 2 weeks lang meron nang invitation to apply for visa. As I noticed, some visa officers work faster than the others. Feeling ko nga medyo slow itong visa officer namin. Pero kahapon, ibinalita nung isang member ng e-group na dumating na yung invitation nya. Pareho kami ng visa officer but his interview date is June 1.

Sana pag-uwi ko mamaya sa bahay may DHL pouch akong dadatnan na galing Bangkok. haaay... sarap mangarap.

What's in a color

I chose to wear pink today because I know I'll be surrounded by spirited preschoolers. This morning I took Vince to his first day of Preparatory class. Maagang natapos yung orientation, giving me time to catch up with my work at the office.

Paakyat pa lang ako sa room ko when one of my officemates noticed my shirt. Bagay daw sa akin yung pink but I was warned from going to EDSA. Baka daw mapagkamalang pink fence ako ng MMD. Oo nga, suot ko ang favorite color ni Bayani Fernando. Well, now I know may taste sya.

Napagisip-isp ko na ang dami palang personalities na gumagamit ng color para i-associate sila. Marcos had red, white and blue (stars over you). Sinong makakalimot sa yellow ni Tita Cory. Pagdating sa term ni Erap, orange and green naman ang pauso nya.

Karaniwan nang makikita na pinipinturahan ang mga pader sa mga major thoroughfares ng kulay ng mayor ng bayan na yon. Kagaya sa amin sa Malabon. Goodbye na sa political color nung dating mayor. Kapipintura lang nung bagong mayor ng mga pader ng kulay green and pink.

I'm sure di sila nagtatanong sa fashion consultant kung bagay ba yung kulay na napili nila. Basta ang alam lang ng mga politicians na yan, mare-recall sila ng mga tao upon seeing it.

Si Mayor Atienza ng Maynila at Sen. Roco ay di mapakag-decide kung ano ang political color nila. So ang ginawa nila, they went for floral shirts. Si Roco nga mga 50 daw ang hawaiian shirts nya. Effective naman kasi tuwing nakikita ko yung kurtina naming bulaklakin, naalala ko sya.

Wednesday, June 08, 2005

Meeting a Pinoy Kiwi

Nung nasa airport kami ng Bangkok pauwi sa Manila, may na-meet kaming Pinoy na NZ citizen na. A little over 3 yrs pa lang sila sa NZ at kabababa pa lang ng citizenship nila. From Auckland, Bangkok ang stop over nya.

Sa unang tingin, mukhang Saudiboy itong si Kinoy (yan muna ang itatawag ko sa kanya). Napag-alaman ko na tunay nga syang Saudiboy. He worked there for more than a decade before his family decided to move to NZ.

Sabi ni Kinoy, mas malaki daw ang kinikita ng mga nasa trade jobs kesa sa mga office workers. Nasa 50k to 60k daw ang mga nasa trade. Hmmm... nakakasilaw. Nung una, manager sya sa isang manufacturing company. Ok ang kita, He was earning NZ$65K/annum then. Inayawan daw nya yung trabaho na yon kasi malaki ang responsebilidad. Ngayon machine operator ang trabaho nya (btw, he's mechanical engineer) pero mas malaki pa ang kinikita nya compared sa dati. Now he gets NZ$70k.

Syempre, inusisa rin namin pano ang Filipino community sa Auckland. Sabi ni Kinoy lagi daw may basketball league ang mga pinoy pero di sya sumasali. He stays away from Filipino clubs. Ayaw daw nila ng mga intriga. Napaisip tuloy ako kung ano ang ibig nyang sabihin.

College na daw yung isa nyang anak. Di nya pinoproblema ang pag-aaral non kasi pwede daw mag-loan yung anak nya for his education. Parang study-now-pay-later dito sa Pinas (meron pa ba non?).

Marami syang kwentong di nababanggit sa mga websites na na-visit namin. Nagtapos ang huntahan namin nung nagboard kami ng plane. Nasa tabi sya ng bintana, kami naman nasa isle. Nung medyo lumamig na sa eroplano, inilabas nya yung denim jacket nya. Naging Saudiboy ulit sa paningin ko si Kinoy.

Monday, June 06, 2005

Reminiscing college

Last Saturday, I attended the wedding of Nympha and Leo Godoy. Nympha is one of my best friends in college. The two first got married in Las Vegas in 1995. After 10 yrs and 3 kids, they decided to renew their vows in the Philippines.

While waiting for the bride and groom at the reception, naalala ko bigla yung day one ko sa colegio. It was a rainy June afternoon in 1987. At first, kinabahan ako kasi baka panay boys ang classmates ko. When I entered the room, it was already filled with students. There I saw 6 girls (nene pa sila non) among more than 40 boys. Yung 2 girls na parang may pagka-sossy eh parang long-time friends na. I learned later that Au and Angie are classmates from St. Paul’s. Opposite them are 2 young women who are obviously not the first time to be together. Magka-eskwela din pala si Jane and Ann nung highschool in one of the private schools in Sta. Cruz. Kaming 3 natitirang babae stayed together, palibhasa pare-parehong mga probinsyana. Taga-Bulacan kami ni Nympha. Glenda naman is from Bataan.

When Nympha got to her dorm later that afternoon, she found out that Sayk, one of her dorm mates is actually Glenda's high school classmate. Dun na nagsimula ang barkadahan namin. It was made even stronger when Glenda and I moved to Sayk and Nympha's dorm. Pati yung ibang classmates nila Glenda nad Sayk nung highschool eh naging ka-barkada din namin.

After our first yr, naging magkakaiba na ang schudules namin but at the end of the day, kami pa rin yung magkakasama. Nagkaron din kami ng kanya-kanyang grupo but we would always consider our barkadahan as special.

After college, I lost contact with others except for Glenda. Taga-Bulacan kasi yung nakatuluyan nya. Marissa settled in Bataan while Nympha moved to the US. Akala ko mabubuo kaming 4 nung Saturday kaso may commitment naman si Marissa. Si Glenda and dear husband Joel lang ang nakasama ko. It feels so good to see Nympha again even for a short while. Halos di sya nagbago. Hindi nawala yung mga mannerisms nya at nandon pa rin yung pagiging Ms. Prim & Proper nya. When we started chatting, it seems that no time was lost. Parang kahapon lang eh nasa tabi kami ng mga pader ng Intramuros.

I made a lot of friends since then but I will always cherish our friendship.

Wednesday, June 01, 2005

Getting a job offer in NZ from overseas

Pag meron kang job offer sa NZ, parang naka-jackpot ka. Mas mabilis ka na ngang makakarating sa NZ, mas may direction pa ang pakikipagsapalaran. However, getting one is soo difficult pero di naman impossible. Maraming employers ang ayaw ng applicants from overseas because of the paperwork they have to deal with. Kung local applicant nga naman, diretso trabaho agad.

Base sa mga nabasa ko, kung ang nag-a-apply ay Brit, American, Aussie or Canadian, pwedeng sa employers ang phone interview. Nagkakasundo na sila kahit di na magkita. It's a different story in this part of the world. Employers will need to see you face-to-face before they consider you.

Meron ding mga pinoy na pinalad na makakuha ng job offer. May nakasabay ako dati sa embassy na nabigyan ng work visa. Ang catch lang don, farm job yung nakuha nya. Pwede na rin kung talagang walang choice.

Meron din kaming 2 kasama sa forum sa may job offer. Yung isa, nasa Hawkes bay since early this year. The other one is still working on their application. Although mas madaling makakuha ng trabaho kung may agent, posible rin namang do-it-yourself. Job openings are posted in newspapers but most companies resort to the internet. Pero ang pinaka effective pa rin na method is networking.

If there is a shortage in a particular skill, it's easier for the employer to process the work visa. Ang kailangan lang, ma-prove ni employer na walang local applicant ang interesado o nag-qualify sa requirements nila for a prescribed period. Meron ding employers na exempted na sa ganito. These are companies accredited by the government and are allowed to processs overseas applicants with less paperwork (di ko matandadaan kung saan ko na-download yung list, email nyo na lang ako).

PR applications with job offer are expedited by NZIS. Syempre they also take into consideration that the employer could not wait for a long time. Kung ayaw mo naman ng PR route, pwedeng work visa lang. Kaya lang sa work visa, kailangan ng clearance from POEA. They evaluate the employment contract para siguro di magoyo ang mga pinoy.