I chose to wear pink today because I know I'll be surrounded by spirited preschoolers. This morning I took Vince to his first day of Preparatory class. Maagang natapos yung orientation, giving me time to catch up with my work at the office.
Paakyat pa lang ako sa room ko when one of my officemates noticed my shirt. Bagay daw sa akin yung pink but I was warned from going to EDSA. Baka daw mapagkamalang pink fence ako ng MMD. Oo nga, suot ko ang favorite color ni Bayani Fernando. Well, now I know may taste sya.
Napagisip-isp ko na ang dami palang personalities na gumagamit ng color para i-associate sila. Marcos had red, white and blue (stars over you). Sinong makakalimot sa yellow ni Tita Cory. Pagdating sa term ni Erap, orange and green naman ang pauso nya.
Karaniwan nang makikita na pinipinturahan ang mga pader sa mga major thoroughfares ng kulay ng mayor ng bayan na yon. Kagaya sa amin sa Malabon. Goodbye na sa political color nung dating mayor. Kapipintura lang nung bagong mayor ng mga pader ng kulay green and pink.
I'm sure di sila nagtatanong sa fashion consultant kung bagay ba yung kulay na napili nila. Basta ang alam lang ng mga politicians na yan, mare-recall sila ng mga tao upon seeing it.
Si Mayor Atienza ng Maynila at Sen. Roco ay di mapakag-decide kung ano ang political color nila. So ang ginawa nila, they went for floral shirts. Si Roco nga mga 50 daw ang hawaiian shirts nya. Effective naman kasi tuwing nakikita ko yung kurtina naming bulaklakin, naalala ko sya.
No comments:
Post a Comment