Wednesday, June 29, 2005

ITA4WTR

I had a series of unfortunate events last week (na-hit&run sasakyan ko, nag-rapture appendix ng dad ni Henry, problem @ work, etc.). But that was last week; nabawi ko ng lahat yon. Monday morning, I went to the post office to pickup a registered mail. Nang iabot sa akin yung sobre medyo ninerbyos ako. Envelope kasi yon ng NZIS Bangkok. Pagbukas ko, laking tuwa ko nang makita ko na nasa harap ko na yung pinakaaasam-asam naming resulta. Di man yon approval for PR, swerte na rin na meron kaming invitation to apply (ITA) for Work-to-Residence (WTR) visa.

Nakasulat sa letter na deferred yung aming PR dahil walang kaming job offer. This will only be awarded to us if principal applicant after 3 months of work in NZ. Di acceptable yung gasoline boy, cab driver and the likes. It has to be relevant to his qualifications/ work experience. Siguro naman sa 2.5yrs na WTR visa na ibibigay nila, makakahanap na ng trabaho non si Henry.

Kung pwede lang sanang ipadala na agad yung application form namin, gagawin ko na agad. Ang kaso mo, magpapakita pa kami ng ‘show money’. Dapat kasi may funds kami sa bangko na enough to support us for 3 months in NZ. Ito ang medyo mabigat kasi NZ$1000/month per person yon or NZ$12000 for the entire family. Kung may pre-paid accommodation, $400/month per person na lang yon. Di ko sure kung pwede rito yung accommodation sa bahay nung friend ko.

God is really good. Kung may times na minamalas ka, pinapabawi ka naman nya sa ibang araw. Salamat po!

10 comments:

Ka Uro said...

jinkee,
natutuwa ako sa naging resulta ng interbyu niyo. ok na rin ang wtr. lahat naman yata yan ang binibigay ngayon. wala pa akong nakilalang pinoy na pr kaagad ang nakuha.

close ka ba dun sa friend mo? kasi palagay ko pwede siyang mag-fill up ng sponsoring a visitor na nagsasabi na siya ang bahala sa accommodation ninyo. that way di mo na kailangan magpakita ng NZ$12k sa account mo.

Anonymous said...

galeng galeng... congrats.. langya araw araw tayo chat eh di mo nababanggit yan... buti pa kayo makakaalis na ng pinas... pero on the other hand... di mo aabutin ang mga mas madadramang mangyayari sa ating politiks... hehehehehe

jinkee said...

Hi Ka Uro,
Thanks sa payo. I'll ask my friend to fill up the form.


Tinay,
Ewan ko ba kung bakit nakaligtaan kong banggitin sa yo. I've been avoiding the news lately, mga isang buwan na siguro. Mas ok na yung ganon, deadma lang. Sobra kasing nakaka-depress kung iisipin mo yung mangyayari sa beloved country natin.

Flex J! said...

Hi Jinkee!
Wow! Galing! malapit na pala ang pagyapak mo sa NZ.....sana you continue to give some tips for all nz aspirants pag andon ka na...

Godspeed..
--jun--

jinkee said...

Thanks, Jun.
Napasyalan ko kanina yung blog mo. So 'pogi' ka pala :-)

Anonymous said...

hello jinkee,

i've been following you progress on your NZ application, congrats sa ITA4WTR nyo, I'm sure tuloy na tuloy na yan.

kami rin ay me pending application at nasa interview stage na kami, scheduled on Aug 11. Pwede itanong sa yo kung saan travel agency mo nakuha yung BKK package mo? meron kasing mas mura pero Kuwait Airways, parang mas gusto ko ang TG.

salamat!
raainy
(sorry, hindi ako registered blogger)

jinkee said...

Hi Raainy,
Congratulations and good luck sa interview mo. May I know when you submitted your ITA? I know NZIS stopped interviewing applicants for sometime (June to July).
About the flight booking, I can give you my travel agent pero mas mga mura pa don na available. One is Skynet - 632-521-7598. You can also try www.lakbay.net. Marami kang mapagpipilian.
Email me if you want some tips -jinkeesay@yahoo.com
Good luck.

Anonymous said...

thanks, jinkee.
i'll try those travel agencies.
i submitted my ita last May 5 and got my invitation for interview last Jul 18 (nasa PinoyImmigrants.Com yung application timeline ko).

salamat uli!
raainy

Anonymous said...

hi jinkee,

bago lang ako sa site na to..
I'll be submitting my EOI pa lang next month .. ask ko lang ang show money ba ay dapat matagal na sa account mo nakadeposit or ok lang na bagong deposit lang.. thanks

Len

jinkee said...

Hi Len,
Wala naang nakalagay na required period para sa bank deposit mo. Tingin ko at least a month siguro pwede na. However, dapat intact pa rin yung pera mo by the time they do the checking. Kasi for some medyo matagal ang approval ng visa. In our case 16 weeks na wala pa.

Ikaw ba si LenM or LenS ng p2nz? email mo lang ako if you have other queries - jinkeesay@yahoo.com