One of the first things I researched about NZ is its climatic condition. Ayaw ko na sobrang mainit, nakakairita rin ang sobrang ginaw. Turn-off ako sa Canada dahil feeling ko di ko kaya ang lamig don.
Being on the southern hemisphere, baliktad daw ang season sa NZ compared sa Pinas. Kung nagsisimulang lumamig dito ng December, iyon naman ang start ng summer nila. The northern island is warmer than the southern (by about 3 degrees). Some says it's because of the volcanoes in the island. Totoo kaya?
Pag summer dito sa Manila, ang pinakamalamig ay nag-a-average ng 25 degrees Celcius. Ang kainitan naman ay 33 degrees. Sa Aukland, di hamak na malamig ang summer nila - 16 to 22 degrees. Pero kwidaw kay haring Araw. Balita ko mas damaging sa balat ang sikat ng araw don kaya normal lang ang mag-sunblock paglalabas ng bahay.
Ang kalamigan dito sa atin ay mula Dec to Feb. Nalalamigan na ako sa 21 to 30 degrees kaya siguradong mamamaluktot ako sa winter nila. 8 to 14 degrees sa Auckland pag winter (June to September). Nung isang araw nag-5degrees daw sabi nung kaibigan ko. Gayun pa man, hindi sila inaabot ng snow.
Mas marami ang ulan (at baha) dito sa Pinas. Ang tag-ulan dito (June to Sept) ay may average rainfall na 34cm. Although hindi nalalayo ang buwan ng ulan sa NZ (May to August), mas konti naman ang buhos don. May average na 12cm ang rainfall sa Auckland, 6cm naman sa Christchurch. Isa pang pagkakaiba ng 2 countries ay ang frequency ng ulan. May madalas umulan don. Summer na sa Auckland pero 7cm pa ang rainfall. Sa mga months naman na tag-tuyo dito sa atin, nasa 1cm lang ang rainfall.
Marami akong nababasa tungkol sa mga Brits moving to NZ on the basis of climatic condition. Sa kanila malaki talagang issue yon. Pero para sa mga pinoy, wala naman sigurong dadayo pa don dahil lang sa kinder ang weather don (economics pa rin ang nasa top slot). Nevertheless, big bonus ito na maituturing.
5 comments:
Jinkee, impress ako sa research mo. mas mainit sa north island kesa sa south simply because it is farther from the south pole. oo matindi ang sikat ng araw dito kapag summer. kahit malamig ang hangin kapag nasa araw ka, para kang pinapaso. siguro kasi walang air pollution na nag-block sa sikat ng araw. ang isa pa, sabi nila dahil manipis ang ozone layer sa bandang south pole kung saan malapit ang nz.
madalas din ang ulan dito all year round lalo na sa auckland. pero ibang klase ang ulan dito, hindi malalaki ang patak na tulad sa atin.
Hi Ka Uro,
So hindi pala dahil sa mga volcanoes kaya mas warm sa north. Nga pala, totoo bang malakas maka-skin cancer yung sikat ng araw? Katakot naman.
jinkee,
oo totoong very common ang skin cancer dito sa nz dahil sa talim ng sikat ng araw. pero mostly mga puti ang tinatalaban. tayong mga kayumanggi ang balat bihira lang. mahilig kasi silang mag sun-bathing. tayo konting init lang nagpapayong na.
nga pala hindi sa tinatakot kita, pero kahapon ng umaga super lamig dito sa AKL. 9 degrees sa loob ng bahay. tapos pag labas ko yung bubong at windshield ng car nababalutan ng dew na nagyelo. hindi nga umubra ang wiper para tanggalin ang yelo. kailangan ko pang buhusan muna ng tubig para matunaw ang yelo.
pero don't worry bihira lang naman mangyari yan lalo na sa AKL. makapal na jacket lang pwede na. at least kapag malamig pwede mong dagdagan ang damit mo. kasi kapag mainit, kahit mag-hubad ka maninit pa rin.
Ka Uro, 9degrees???? Babalinguynguying ata ako pag ganyan ang panahon. I would really appreciate it if you could share with us (in your blog) how you handle cold weather. Every other day ka na lang ba kung maligo? etc. thanks
jinkee,
sige, minsan susulat ako tungkol sa sinabi mo. hindi naman problema ang lamig sa loob ng bahay kasi may heater naman. isa pa may hot water naman ang shower. mas lalamigin ka nga kung hindi ka everyday naliligo. yung anak ko nga twice a day maligo. isa sa umaga bago pumasok at isa sa gabi bago matulog. ang tagal pa sa shower!
masasanay ka rin. first winter lang ang medyo mahirap.
Post a Comment