Wednesday, June 08, 2005

Meeting a Pinoy Kiwi

Nung nasa airport kami ng Bangkok pauwi sa Manila, may na-meet kaming Pinoy na NZ citizen na. A little over 3 yrs pa lang sila sa NZ at kabababa pa lang ng citizenship nila. From Auckland, Bangkok ang stop over nya.

Sa unang tingin, mukhang Saudiboy itong si Kinoy (yan muna ang itatawag ko sa kanya). Napag-alaman ko na tunay nga syang Saudiboy. He worked there for more than a decade before his family decided to move to NZ.

Sabi ni Kinoy, mas malaki daw ang kinikita ng mga nasa trade jobs kesa sa mga office workers. Nasa 50k to 60k daw ang mga nasa trade. Hmmm... nakakasilaw. Nung una, manager sya sa isang manufacturing company. Ok ang kita, He was earning NZ$65K/annum then. Inayawan daw nya yung trabaho na yon kasi malaki ang responsebilidad. Ngayon machine operator ang trabaho nya (btw, he's mechanical engineer) pero mas malaki pa ang kinikita nya compared sa dati. Now he gets NZ$70k.

Syempre, inusisa rin namin pano ang Filipino community sa Auckland. Sabi ni Kinoy lagi daw may basketball league ang mga pinoy pero di sya sumasali. He stays away from Filipino clubs. Ayaw daw nila ng mga intriga. Napaisip tuloy ako kung ano ang ibig nyang sabihin.

College na daw yung isa nyang anak. Di nya pinoproblema ang pag-aaral non kasi pwede daw mag-loan yung anak nya for his education. Parang study-now-pay-later dito sa Pinas (meron pa ba non?).

Marami syang kwentong di nababanggit sa mga websites na na-visit namin. Nagtapos ang huntahan namin nung nagboard kami ng plane. Nasa tabi sya ng bintana, kami naman nasa isle. Nung medyo lumamig na sa eroplano, inilabas nya yung denim jacket nya. Naging Saudiboy ulit sa paningin ko si Kinoy.

4 comments:

Ka Uro said...

jinkee,
tulad ni kinoy, kami din ng pamilya ko hindi active da mga pinoy clubs dito. it's just a personal choice. it's the usual stuff kasi kapag maraming pinoy ang magkakasama. hindi maiwasan na may tsimisan at inggitan. kaya yung iba tulad namin ni kinoy lie-low lang kami sa mga kapwa pinoy. i'm sure marami din naman ok na samahan ng mga pinoy. kaya lang talagang hindi rin naman ako mahilig sa sosyalan e.

jinkee said...

Ka Uro,
Nakakapanghinayang na imbes gamiting vehicle for damayan ang mga clubs eh venue for tsismisan pa. Sana may TFC din dyan para yung mga artista na lang ang pagdiskitahan nila.

Senorito<- Ako said...

hmm.... bakit nga ba tayo mahilig sa tsismisan ? kulang ba sa excitement ang kani-kaniyang buhay that you've to draw excitement from other peoples lives ??

Good luck pala !

Senorito<- Ako said...

Sa mga puti ata oks lang na tanungin nila kung magkano kita mo.. they don't consider it impolite ata. Plus walang inggitan din.