Monday, November 07, 2005

Be careful of what you wish for

Since 1999, I didn’t bother upgrading my cellphone unit. Happy ako sa Siemens M35. Ok lang kahit do sya colered, walang camera at hindi poluphonic ang ringtone. What matters most is that I can text and call without hassle. Ilang beses ko nang naibagsag yung phone ko. On several occasions, mga 5ft high pa. Pag-dampot ko sa phone ko, tuloy ulit ang texting. Parang walang nangyari.

Early this year, Nakasalubong ko yung mga officemates ko sa mall. Bibili daw sila ng phone. May isang natanong kung buhay pa daw yung telepono ko. Buong yabang kong sinabing ‘syempre’. Sabi nung isa did aw sya makapaniwalang ganun yung phone ko.Nung maghiwalay kami, napag-isip-isip kong parang nilait ata si Siemens ko. Ikinuwento ko yon kay Henry. Sabi nya, it’s about time to upgrade. Tutal bibili din naman ako ng tri-band phone pagpumunta kami sa NZ. Matagal kong pinag-isipan yon.

May 2005, bumili ako ng bagong unit. Samsung E330 ang kinuha ko (di ako Nokia fan). Akala ng marami inspired yung taste ko ng mga sikat-na-sikat na mga Koreanobela. Pero ang totoo, nacu-cute-tan ako sa de-flip na phone. Micro-Tac era pa lang, pangarap ko na yon. Japorms ang dating, di ba.



6 months na ngayon itong si Samsung pero hindi ako masyadong happy. Kailangan ko kasing mag-ingat sa handling kasi baka maging dalawang piraso ang phone ko. Ayoko ng ganon. Hate ko yung kailangan ko pang mag-exert ng extra effort. Ilang beses na kaming nag-away ni Vince kasi ayaw ko syang paglaruin sa phone ko. Kainis talaga. Buti na lang di ko pa dinidispatsya itong si Siemens. Pag-kasama ko yung mga anak ko, sya ang ginagamit ko. Isa pa, naka-plan yon, di nauubusan ng load. Hanggat buhay at humihinga pa si Siemens, it’ll stay with me.

5 comments:

Flex J! said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Flex J! said...

oo nga Tita Jinkee (naki-tita noh?) yung mga hi-tech na gadgets ngayon eh hyper-sensitive nga at you need to be extra careful in handling, yan nga yata ang advantages ng simple mong siemens....shock proof, child's toy, weather proof ba?, kahit saan dalhin at ilabas walang magnanasa...hehehe yet very reliable to get the message across...ganda!

text mo ko ha....
smiles..
--jun--

Anonymous said...

sabi nga ng anak ko dapat daw ang slogan ng siemens: "SIEMENS, THE MEN'S PHONE!". Sabi ko, langyang yan kinse anyos pa lang alam na ang ibig sabihin ng semen! kinakabahan tuloy ako.

Flex J! said...

KU!,

Napaigtad ako sa pagtawa sa comment mo.....

LOL!

jinkee said...

semen?... ano yun. he he he

Kaya pala si Henry, ini-insist na dapat Siemens ang phone nya.