Friday, November 18, 2005

Followup with NZIS

Nag-email ako kaninang umaga sa NZIS para mag-followup. This time, I sent it to the officer-in-charge. Nagte-tengang kawali kasi si VO Kamonrat kaya sa kinauukulan na ako dumiretso. A few minutes later, nakatanggap na ako ng reply. Wow ang bilis. Dapat pala dun na ako kay boss nag-followup noong una pa lang.

Sabi ni Kamonrat, ifa-finalize daw nya sana yung application namin noong Nov. 7 pero may mga kulang pa daw na internal verifications. Ano kaya ibig sabihin non? Good sign kaya? Sa huling part ng email nya nakalagay na "Please be patient with us". 'be patient' ka dyan. Malapit na akong maging pasyente ng mental. Nakakabaliw yatang maghintay. Pano ba namang hindi, 6 to 8 weeks daw ang processing time non. Inabot na kami ng 20 weeks.

Anyway, sana naantig ko sya ng konti sa ginawa kong followup. Malay natin, baka i-prioritize nya yung paper namin (wish ko lang). Haaay shiny visa, kelan ka ba talaga dadating?

10 comments:

Anonymous said...

hi jink,nakapag hintay ka nga nga maraming bwan sa application nyo,bat ngayon na bu buang ka na.Pag pray na lang natin yan.

Ka Uro said...

jinkee,
tama si kiwinoy, relax lang. enjoy niyo muna ang pasko sa atin. baka yan na ang huling pasko niyo diyan. dito kasi malungkot ang pasko, di tulad sa atin.

jinkee said...

breathe in.... breathe out... breathe in... breathe out. Ayan relax na ako. Kasi naman, hanggat wala pa yung visa, di pa makapag-file ng resignation si Henry, di makapag-dispose ng ari-arian (kunyari meron), di ma-reserve si Vince sa NZ school at di makabili ng tons of Mama Sita. he he he

Oh well, masaya (at magastos) naman talaga ang paskong pinoy so we'll make the most out of it.

'insang Gigi,
Salamat sa pagbisita. Kumusta ang Singapore?

Anonymous said...

ox lang singapore,bili ako kanina ng books for cioline.Jan 3,2006 ang
pasukan.Ingat lagi

Anonymous said...

hi jinkee. Nung nabasa ko yung post mo, nagfollow-up din ako yesterday to my VO Laliporn. Sumagot naman today kaso ang sabi, she is on last stage of my application, however, due to expiry of my passport, I need to renew it. Nye!! Ibalik pa ulit yung passport ko, nung June pa yun sa kanya, bakit ngayon lang, hu,hu,hu...

lucie

Bluegreen said...

Hay ganyan ata talaga...very exciting and suspenseful hehehe...pero gaya ng sabi nila, relax lang at darating din ang para sa inyo. Meanwhile, enjoy it while you're here...mami-miss nyo rin ang Pinas later on heheheh...Godbless!

jinkee said...

Binalita sa pinoyz2nz na yung isang kasabay naming nag-submit application eh nabigyan na ng visa. Sana sa susunod kami na. *fingers crossed*

Anonymous said...

hi jinkee, tama silang lahat..relax lang at darating din yan. pero sa totoo lang mahirap mag-relax lalo na at nakakatanggap na ung iba at wala pa yong sa yo. ako rin naiinip, sa araw-araw na pagsilip ko sa blog mo at paghintay sa good news na inaasam mo.

konti pang tiyaga...
raainy

jinkee said...

Hi raainy,
Thanks for visitng my blog. Kayo ang makakaalam dito sa blog ko kung meron na kaming visa.
regards.

Sassafras said...

hi jinkee :) i am thinking positive thoughts for you and your family. san ba ang tungo ninyo---kung wellington, sana magkitakita tayo dun :)