Although I promised to be positive in my blog, hindi naman ibig sabihin eh puro pleasant things lang ang isusulat ko. Meron din syempreng mga bad experiences.
November 25, 1996 nang may isang traumatizing day sa akin. Kakatuto ko pa lang mag-drive noon. Mas unang natuto sa akin si Queenie, my younger sister. Normally, hinahatid nya muna ako sa office saka sya tutuloy sa trabaho nya. But on that fateful day, ako ang nasa harap ng manibela. In fairness, maingat naman akong mag-drive. Nag-menor ako habang dumadaan kami sa tapat ng isang lamayan sa isang squatters area. Walang ano-anoy may isang pupungas-pungas na babae na biglang natumba. Nabungo ko daw sabi nung isang naglalakad. Nagtayuan yung mga naglalamay. Siguro kung lalaki ako, kinuyog na ako ng mga yon. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan. Nakita ko ang pupungas-pungas na si Aling Hilda (di tunay na pangalan) na nakahandusay, sa kamay nya hawak ang P10.00 na pambili ng pandesal. O hindi, nasagasaan ko yung paa na nakadikit sa tao. Si Queenie naman, bumaba din para lumipat sa driver’s seat. Pinasakay ko agad si Aling Hilda. Sumama rin yung 2 kapatid nya. Dumiretso kami sa Orthopedic hospital sa Banaue.
Habang bumabyahe, nagsenyasan na kami ni Queenie. Bakit? Wala pa kasi akong lisensya noon. Student permit lang ang hawak ko. Pagdating sa Emergency Room, dalidaling kinuha nung guard yung lisensya ko este kay Queenie pala. Ako ang nakaharap pero Queenie ang gamit kong pangalan. Mabuti na lang at super inefficient pa noon ang LTO, papel pa lang ang hawak ni Queenie na lisensya. Nakahinga ako ng malalim nang sabihin ng doctor na nalamog lang yung pinky-toe ni Aling Hilda. Medyo masakit pag nasagi. Ang nangyari kasi, nalagpasan na sya ng nguso n kotse pero siguro medyo pasakang syang maglakad kaya nahagip ko yung paa nya.
Bago kami pauwiin, tinanong ni doctor kung magre-reklamo daw ba itong biktima. Tinignan nya ako sabay sabing pano daw ba sya magtitinda nyan (sidewalk vendor sya), pano daw sya makakatakbo pag nandyan na yung mga pulis? Guilty that I was, nagbigay ako ng ‘peace-offering’. P2500. Nanlaki ang mata nya, pumayag agad.
Nang maihatid na namin si Aling Hilda, saka pa lang ako bumalik sa LTO para kumuka ng lisensya. I really felt so bad for breaking the law. Ang pinakamasaklap pa nito, pano kung napatay ko sya (buti kuko lang nya ang namantay). Ilang araw din akong nagigising sa gabi. Naalala ko yung accident na yon. Matagal din akong hindi nagmaneho pagkatapos non. Nakaka-trauma talaga yon. It was a lesson well learned
8 comments:
Your post connects...I felt it...ako naman di pa nakakabundol ng tao...your post somehow reminds me to be more careful when driving....
sa NZ naman walang masyadong vendors I suppose kaya mas madaling mag-drive dun....
smiles..
--jun--
Hi Eric,
Efficient na ngayon ang LTO pagdating sa license renewal. Halfday lang kuha na yung card.
Salamat sa pag-link sa akin. Pwede rin ba kitang i-link (parang ginawa ko muna bago ako nagpaalam. he he he)
Jun,
I would love to see the day when everyone (pedestrians and motorists)respects our road rule. Sign of progress yon di ba.
buti hindi friday noon...dalawa sana kaso nyo
Monday ata nang mangyari yon.
Sa mga nakakabasa nito, wag nyo po akong gagayahin. After that incident, mas naging responsableng motorista ako. Tanging coding pag Friday na lang ang nava-violate ko. Well, I'm not perfect.
jinkee,
glad you and your sis got through that experience unhurt yourself. kasi kung sa iba siguro binugbog na ng mga miron ang driver.
ngapala, huwag mo nang buhayin si tito morning. nung umpisa yun sana gagamitin kong alias. moring is my dad's nickname, but decided later against it. perhaps because i wasn't sure yet what to write and i might write something that he would not have approved if he was alive today. kaya ayun ang istorya ni tito moring. ang tagal na nung post ka na yon, nahalungkat mo pa? hahaha
Oo nga KU, buti na lang babae kami. kung hindi, gulpi sarado ang inabot namin.
Ang galing ko bang mag-research? he he he.
di talaga maiiwasan yung mga ganyang aksidente. anyways, it's an accident, wala namang may gusto nun. ang mahalaga, natuto tayo, at nalampasan mo na yung trauma mo. ;)
Post a Comment