Coding ang sasakyan ko pag Friday. Minsan na akong nahuli. I was very pregnant then. Akala ko makakalusot yung alibi kong magpapa-checkup lang sa OB. Tinikitan din ako (di ako marunong mag-bribe). Since then, kinabisado ko na yung mga daan na walang 'kalaban'. Kaya pag-Friday, normal lang ang buhay ko . I leave the house at 7:30am (7-10am and 3-7pm ang bawal).
Kanina, I almost run out of luck. Mga isang kilometro pa lang ang natatakbo ko nang may mapansin akong pila ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada. Hmmmm bakit kaya? Wala namang sabungan doon o kaya tiangge. Nag-menor ako. Tama ang kutob ko, may mga 'alagad ng batas' na nanghuhuli. About 30 meters away from them, I decided to make a U-turn ang head back home. Di bale nang late wag lang magkaron ng violation. Pag-dating ko sa bahay, gising na si Vince and Shannen. Nakipaglaro muna ako ng konti.
9:50am sumibat na ulit ako. 10:24 nang dumating ako sa office. Pano kaya mamayang uwian, maghihintay ba ako 7pm? Abangan....
5 comments:
habang nag-aabang, mag-blog ka muna hehehe. exciting ba magkipagtaguan sa pulis? hahaha! halong kaba at adrenaline rush ano?
Galing ah!!! husay mo palang umiwas sa lespu....kukunin kitang drayber...hehehehe
Sumbong kita
Actually, wala kasing coding sa Malabon (waived) except for a couple of major roads. Magco-cross lang naman ako nung major road na yon, so konti lang kasalanan ko. he he he
BG and Jun,
Sobrang kaba talaga ang naramdaman ko. Wala kasi akong talent sa pakikiusap. Pag-sinabing asan ang lisensya', ibibigay ko talaga.
Post a Comment