Tawa ako nang tawa nung isang araw ng tanungin ako ni Vince kung ang lalaking kuba ba ay “kubo�. Kung merong kang kasamang ‘growing wonder’ sa bahay, siguradong maraming ganitong moments na magpapangiti sa yo. Mga pagtatanong na minsan eh hirap na hirap akong i-explain. Here are some that I could remember:
- bat wala ako sa picture nung kasal nyo?
- ilang taong bago mamatay ang tao?
- lahat ba ang tao mas mayaman sa atin?
- ginalingan ko naman, ba't di ako nanalo?
- pwede ba tayong magpakabit ng escallator sa bahay?
- pwede na ba akong mag-girlfriend?
- pwede bang si Shannen (his sister) ang magiging asawa ko?
- bakit ‘fifty’ ang tawag hindi ‘fivety’
- pwede ba akong maging artista sa cartoons
5 comments:
Jinkee,
LOL!
oo nga daming "hard questions" din ang mga baby ko....naalala ko tuloy..
pano mo sinagot???
still laughing...
--jun--
Try nating sagutan..maganda mga tanong ni Vince hehehe:
"bat wala ako sa picture nung kasal nyo?" Kasi ikaw ang kumuha ng picture...seriously, kasi nasa heaven ka pa. pero sigurado maraming kasunod na tanong to hehehe
"ilang taong bago mamatay ang tao?"
depende kung gaano kahaba ang buhay nya. ngeks lalo magulo ah!
"lahat ba ang tao mas mayaman sa atin?"
unang una, define mayaman hehehe
"ginalingan ko naman, ba't di ako nanalo?"
kasi mas ginalingan ng kalaban
"pwede ba tayong magpakabit ng escallator sa bahay?"
hmmm kung may 3rd floor ang bahay pwede siguro hehehe
"pwede na ba akong mag-girlfriend?"
ano sa tingin ni mommy?
"pwede bang si Shannen (his sister) ang magiging asawa ko?"
syempre hindi.
"bakit ‘fifty’ ang tawag hindi ‘fivety’"
oo nga. research muna natin
"pwede ba akong maging artista sa cartoons"
pwede kung papayag si mommy hehehe
hay kapagod sagutan ang mga tanong ni Vince. Bakit nga ba nag-attempt pa ko hehehe
Jun,
Pag wala na akong masagot sa mga tanong ng anak ko, sinasabi ko na lang na "Ganon talaga yon". he he he. Pero madalas susundan yon ng anak ko ng "eh bakit ganon talaga?". ngek!......
BG,
Thanks for the attemp. Eh ito kaya pano sagutin - "Bakit iba iba ang salita ng tao? May Tagalog, may english, may chinese?".
Sa pagkakaalam ko basically, dahil sa geographical settings. lalo noon na limited ang travel and lands are separated by water, so people tended to group together and form their own system of communicating.
BG,
Sige, I'll try that explanation.
Jinkee
Post a Comment