Thursday, February 02, 2006

Ang utang....bow

Wow! Yipee! Wahoo! Sa lahat ng may utang na P42,767.47, kami ang pinaka-masaya. Bat naman hindi, galing sa NZIS Bangkok yung charge na yon (Migrant Levy). Pero nagtataka ako, bat wala man lang abiso si lovely visa officer namin. January 27 pa yung date ng transaction, sana may email man lang si VO. Naku, wag nyang sasabihing nagkamali sya ng charging, baka magkaron ng masaker sa Bangkok. Anyway, I'm writing her later to confirm.

5 comments:

Anonymous said...

At last, ang pinakahihintay!

Tuloy-tuloy na yan, Jinkee, I'll reserve my salutations until you formally post your receipt of the much-awaited "stamp" - para di mausog!

raainy

Ka Uro said...

congrats jinkee. huwag ka nang magalit kay vo kung hindi nag-email. importante natatakan na ang mga pasaporte. ano nga kaya kung bigla niyang sabihin na nagkamali lang siya ng charging? o kaya sabihin niyang nagbibiro lang siya? hehehehe. tama na nga baka pati ako ma-masaker.

jinkee said...

Hi Raainy,
Ibo-broadcast ko dito pag nandyan na yung shiny blue stamp na yan.

Kiwinoy,
Ang Migrant Levy ay yung pinaka-processing fee ng visa. It's US$200 per person in the application pero may ceiling na US$800.

KU,
Walang pang reply si VO sa email ko. Sabi nung isang p2nz member, one week daw leave si VO. Bitin-na-bitin na kami! Wag syang magkakamaling sabihing nagkamali sya, mag-a-amok ako :(

Anonymous said...

hi jink,
Buti ok na visa nyo.Happy ako para sa inyo.antgal din ang pag hihintay nyo di ba..Good luck!

Kiwipinay said...

naks! may migrant levy na. mga isang linggo na lang yang paghihintay mo.
.
.
.
.
.
.
.
mga isang linggo at dalawang taon pa.



arekup! nagbibiro lang pow!