Saturday, June 03, 2006

Visit to the doctor

Nagpa-checkup yung dalawang bata nung Wednesday. Sa may Chartwell, Glenfield yung clinic ni Dr. Wilcox. My friend recommended him to me.

Yung ubo ni Vince ay 11 days na. Bronchitis @ right lung daw sabi ni doc. Surprisingly, walang respiratory asthma si Vince. Mukhang hiyang sya sa Auckland. Si Shannen naman kumakati ang torso dahil sa skin asthma. Well problem na namin yon sa Pinas pa lang.

Ang bayad sa doctor ay NZ$28 para sa kids over 6 at NZ$5 for under 6. Presyong may govt subsidy ito. Di ko pa alam kung magkano ang sa adult.

May mga prescription na isinulat si doc. NZ$12 ang binayad ko sa Chemist (botika) para sa Ventolin inhaler, anti-biotic at lotion for skin asthma. Subsized din ito ng govt. Nakakatuwa dito, good for 3 months yung gamot na yon. Pag-naubos na, pwede akong bumalik sa Chemist para magpa-dispense ulit ng gamot (except for the antibiotic). Wala na daw bayad yon. Kukunin ko yung gamot kahit di na kailangan, sayang din kasi yon. Haaay, ugaling pinoy pa rin ako.

2 comments:

Anonymous said...

hi jink,

sana gumaling agad 2 kids.Kamusta na pala mama ni Henry

barbara

Kiwipinay said...

pag nakilala ka na ng chemist, pag tagal-tagal, ibibigay na rin sa yo yung good for 3 months na supply para di ka na babalik pa.

may bayad na pala yung under 6? alam ko ay libre kung PR ka. anyway, sana ay gumaling na mga tsikitings mo.