Tuesday, September 05, 2006

Faather's Day

Father’s Day dito sa NZ noong Sunday, 03 Sept (sa Pinas, June ang celebration nito). It’s a big thing here. Big shops have “specials� especially for the dads.

Kahit papano, naki-ride din kami sa trip ng mga kiwi. Pero kami, personalized ang style namin (short for nagtitipid). Vince prepared a card for Henry. Natuwa naman ako dahil marunong ng mag-spell ang anak ko.

Ang gimik ko naman, I did him a pedicure with foot massage (aba, mahal yon dito). I did it when Henry was having his afternoon nap. Sa himbing nung matulog, di nya naramdaman yung mga sablay ng pusher (o baka makapal lang talaga ang kalyo nya). Nag-"thank you" naman sya pag-gising nya so di naman siguro nasugatan. he he he

Belated Happy Father’s Day sa lahat ng mga tatay.

5 comments:

Ann said...

Mas ok pa nga mag celebrate nang ganyan, basta kumpleto ang pamilya. Feel mo lahat ng okasyon na dumating.

Iskoo said...

makikibati ako ng happy fathers day.

Anonymous said...

Faa ther's day talaga ang ginawa mo kay henry ah! Naks naman jinkee! parang dadami yata ang sideline mo diyan ah! sabihin mo lang, dito na lang kita ibibili sa hortaleza ng gamit mo, mas mura kaya mas malaki kikitain mo hehehe pagbalik-bayan mo, mag service ka dito ha! ipagpapaalam kita ahead sa hrd para makapasok ka't maka-service ng maayos... happy faather's day kay henry!!! mwah! o huwag selos ha!

jinkee said...

Hi Ann,
Tama ka, masaya basta sama-sama together.

Tommy,
thanks sa pagdalaw.

Emma,
I-kiss mo na rin ako kay Danny. he he he. Pagnakaron ako ng career sa pagkukutkot ng mga kuko at pag-gupit ng buhok, ikaw ang purchasing manager ko. kumusta sa lahat dyan.

Kiwipinay said...

hahaha!! buti pala di ka nasipa nung may mga sablay ang pusher mo. ehehehehe... ayus sa raket, sister!