Monday, September 11, 2006

Sky Tower



Sky Tower is the tallest structure here in the southern hemisphere. This famous landmark can be found in Auckland CDB. Nadadaanan ko to araw-araw. Actually, sa tapat ng SkyTower ako nag-aabang ng bus pag-pauwi sa hapon.

I had a chance to climb up the mighty tower last month when my high school classmates came here for a vacation. Kung di sila nag-aya, malamang hanggang ngayon eh ini-imagine ko pa rin kung ano ang feeling ng nasa taas.


The tower’s elevator has glass floor panel. Makikita mong paliit ng paliit yung mga tao sa kalye habang umaakyat. Sa itaas, nandon yung Orbit Restaurant kung saan kami nag-dinner. The floor Orbit occupies is revolving. Glass ang buong paligid kaya makikita mong unti-unting gumagalaw ang view. 80 kilometers on all directions ang tanaw from that observation level.

Nang pauwi na kami, dumaan kami sa casino. Wala namang naglaro sa amin, nag-usisa at kodakan lang. Pagdaan namin sa isang casino staff, bigla syang nagsabi ng “balut�. Yun daw ang code para malaman mong pinoy yung kaharap mo. Apparently, maraming pinoy na nagta-trabaho doon.

One of these days babalik ako sa SkyTower. This time isasama ko naman sila Henry para ma-experience din nila ang nasa 328m above ground.

PS: the photo is courtesy of Carlo Jaminola, pinoy2nz's talented "litratista".

2 comments:

Anonymous said...

hi jink
malamang na di ko aakyatin yan sky tower takot ako sa mataas na lugar.feeling turista ka ha.sige kwento pa..nag tour din pala ang ate ni richard dito 5 days lang.

gigi

Kiwipinay said...

jinkee, itaon mo ng monday night kapag nagpunta ako. kung hindi pa binabago ang schedule, tuwing monday night kasi ay may kantahan at sayawan dun sa isang area sa casino. maraming pinoy tuwing monday night. sayaw kayo sa dance floor habang may kumakanta naman na nagpapalista lang dun. am not sure kung contest yung kantahan na yun or katuwaan lang. every night may ibang theme yata sila. pero yung monday, maraming asians.

buti ka pa nakaakyat ka na dyan sa sky tower. ako gang ngayon, hanggang picture lang ako. hahahaha!!!