Friday, February 09, 2007

Biker Vince

Pinapagalitan ni MIL si Vince noong isang araw. Nadagdagan na naman kasi ng sugat ang binti ng anak ko dahil sa kakabisikleta. Sabi ko naman, ok lang yon, at least ngayon marunong na syang mag-bike.

A few weeks ago, may nagbigay sa amin ng lumang beginner̢۪s bike. Working condition pa yung bike kaya lang sira yung gulong sa likod. Sa halagang $33 ($10 lang sana pero may dagdag na $10 para sa labor), may bike na si Vince.

Binigyan lang ni Henry ng konting tips si Vince at mag-isa na syang nag-aral (without the training wheels). Lunes sya nagsimulang mag-practice. Pag-uwi ko ng Martes, aba marunong na. Medyo malaki yung bakuran namin kaya doon lang sya umiikot.

Naghahanap ako ngayon sa Trademe ng 20� bike. Pang 2 to 4 yrs lang kasi yung nasa bahay, tama lang para kay Shannen. Pretty soon, ire-reklamo na yon ni Vince. O sya, magbi-bid muna ako.

No comments: