Saturday, February 17, 2007
She'll be back
Hinatid namin kaninang umaga si MIL sa airport. Ikihuha namin sya ng wheelchair para di mahirapan sa pag-transfer sa HongKong (thanks to KU's Jean's advice). Binilinan ko sya na mag-acting-acting ng konti. he he he
Nang bumalik na kami sa kotse, ayaw pang sumakay ni Shannen. Hinahanap ang lola nya. Sabi ko sumakay na ng airplane papuntang Pilipinas but "she'll be back". So ok na, naupo na sa carseat nya. Nang umaandar na kami, panay ang lingon sa likod. Bat daw wala pa si Lola. Ang intindi pala nya, nasa "back" (likod) namin. asus.....
Nag-tidy up kami ng konti nang makabalik kami sa bahay. May nakita si Shannen na isang kendi (sugar-free) na naiwan ng Mama. Ibibigay nya daw yon pag dating. Alam kong gusto nyang kainin yon pero hanggang ngayong hapon nakatabi lang. I wonder if she'll hold on to it for 9 months.
We are really grateful that she's with us in the most crutial part of our new life. Malaking bagay na may napag-iiwanan kami ng bata. Buti na lang di sya nainip dito. Well, she actually like it here kaya kahit walang teleserye ok lang.
Thanks Mommy Chit for taking care of us. We'll see you in 9 months.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kalungkot naman...di bale padating naman ang bagong nanny este granny pala.
oo nga... asan na ang bagong nanny. este... nanay pala. mweheheheh....
naku ha? may acting-acting pa pala kayo dyan sa wheelchair na yan. kayo talaga o... pano yun? dala-dala ang wheelchair gang pinas?
Post a Comment