Isa sa kagandahan dito sa NZ ay sinisiguro ng gobyerno na ang lahat ng residente ay pwedeng mabuhay ng maayos. Kung may sakit ka, libreng magpagamot sa govt hospitals. Meron ding Accommodation Supplement kung may binabayaran kang rent o mortgage. Kung maliit ang family income, Family Assistance ang ibinibigay.
Kasabay sa pafa-file PR application ang pagre-research namin sa mga posibleng supporta na makukuha namin sa govt. Dahil pareho kaming kumikita ni Henry (kahit di kalakihan), sa Family Assistance ng IRD lang kami nag-qualify. In the same week that we applied, na-credit sa account namin yung allowance na $75/week. Nakabase ito sa estimated annual income namin from April 2006 to March 2007. Maliit lang ang combined salary namin kasi July na ako nasimulang magtrabaho. Pag dating ng April rerepasuhin nila yung actual income namin. Kung mas maliit ang actual vs. forecasted, may lumpsum kaming makukuha (ata). Kung mas malaki naman, magbabalik kami na bayad.
Malaki man ang binabayaran mong tax, nakikita at nararamdaman mo naman kung saan ito napupunta. Hindi nakakasama ang loob mo dahil pakikinabangan mo din kung kailangan mo.
1 comment:
yan nga ang sarap sa ibang bansa... sana magkaroon ng himala... sana totoo si nora para dito sa pinas magkaganyan din ang takbo at estilo ng pamumuhay. ng hindi sila-sila lang ang paulit-ulit na nakikinabang (mga politician, businessman at mayayaman na nandadaya pa sa tax) at yong mga abang tao ay lalo pang nagiging hirap. Pagbabago mga kapatid ang kailangan natin. Isulong ang kaunlaran este ewan hehehe
Post a Comment